Kinabukasan...
"Reese, ang ganda mo, sobra," sambit ni Harvey nang makita si Reese na nakahanda na para sa party.
"Salamat!" sagot naman ni Reese at lumapit kay Harvey.
"Ang galing mo talagang mag-make up PJ!" sabi ni Harvey kay PJ.
"Thanks," sagot nito na walang kalutay-lutay.
"Let's go," sabi naman ni Reese at umalis na sila mula sa condo at bumaba papuntang parking lot at isinakay siya ni Harvey.
"Reese, tiyak, magiging napaka-ganda ng gabing 'to, dito na talaga magsisimula ang career mo bilang celebrity,"
"I hope so,"
"Sus, ikaw naman, ang ganda-ganda mo kaya, tiyak, konting promotions pa dito sa Pinas instant super celebrity ka na! Kasi sa U.S. sikat ka na, dito pa kaya?"
"Naku, ikaw talaga, wala naman akong balak na maging sikat na artista dito, di naman ako magaling umarte,"
"Aba, malay mo? Di na ko makapaghintay na tayo ang magiging magkapartner,"
"Ahaha! Ikaw talaga, bilisan mo na at baka malate tayo," sabi naman ni Reese kaya nagdrive na si Harvey.
"Pansin ko, mukhang di ka gaanong excited, bakit?" tanong ni Harvey.
"Hmm... wala naman, iniisip ko lang kasi si Jay,"
"Si Jay? Bakit si Jay?!"
"Kasi... I don't know actually, wala lang, naiisip ko lang siya, gusto ko sana siyang isama,"
"Tss." Halatang dismayado si Harvey pero di na lang niya ipinahalata at nagdrive na lang.
Samantala...
"'Nak, nandito na siya!" Masayang sabi ni Tito Joey pagpasok ng kuwarto ni Lily.
"Nandito na siya?! N-Naku, Papa, okay na ba? Pantay ba 'yung make-up ko? 'Yung kilay ko? Makapal ba masyado?" sunod-sunod na tanong ni Lily nang tumayo mula sa harapan ng dresser niya.
"'Wag ka ngang aligaga anak," natatawang sabi ng Papa niya at hinawakan ang magkabilang pisngi niya. "Napaka-ganda mo! Ngayon lang kita ulit nakitang magsuot ng ganiyang damit, kamukhang-kamukha ka ng Mama mo,"
"Pero Pa, alam ko namang walang tatalo sa ganda ni Mama," sagot niya at hinawakan ang mga kamay ng Papa niya na nasa pisngi niya.
"Pero... pag nakita niya 'to tiyak matutuwa siya. At sa wakas naman, 'yung hinihiling-hiling mo tuwing birthday mo at pag Pasko, natupad na!"
"Oo nga po Papa, sa edad ko, di ko akalaing may mag-aaya pa sa'kin,"
"Ano ka ba anak?! Di ka pa matanda 'wag ka nga O.A., ang sabihin mo, sa edad niya, himalang may pumayag pang sumama sa kaniya,"
"Papa!" inis na sabi ni Lily.
"O, totoo naman! Di rin nga guwapo 'yang date mo, naku kung di ko lang talaga nakursunadahan 'yan di 'yan makaka-apak rito,"
"Isa pa Papa," sabi ni Lily at nag-pout.
"Ahaha! Biro lang anak! Artistahin kaya 'yang si Jeremy lalo na pag ngumingiti, di ba? Di ba? Ang cute niya pag naka-smile!" sabi ni Tito Joey kaya naman kinilig si Lily at wagas makangiti. "Kinilig ka naman! O siya! Baka natuyot na 'yon kahihintay sa baba, tara na!"
At bumaba na nga ang mag-ama, nakaupo lang si Jeremy sa salas at namamahay dahil nililigid ng paningin niya ang buong paligid, hanggang sa napatingin siya kay Lily. Talagang napatayo siya sa kinauupuan niya at halos mapanganga na naman sa pagkamangha.
BINABASA MO ANG
A Guy Like Me
General FictionHanggang kailan mo kayang maghintay para sa kaniya? Hanggang saan ang kaya mong gawin mapansin lang niya?