Chapter 18

35 3 0
                                    

One...

Nagulat ang lahat sa ginawa ni Jeremy, muntik na silang maabutan ng time. Pareho silang halos ma-estatwa ni Reese sa ginawa ni Jeremy, habang magkalapit ang mukha, pareho silang nakapikit at parang ninanamnam ang bawat sandali.

"J-Jay," bulong ni Lily na nanonood sa kanilang dalawa, dinurog siya at parang nabagsakan ng langit. Di niya napigilan ang sariling maluha, kaya umalis siya.

He pressed the tip of his nose on hers, and gently rubbed it on each other's back and forth... an Eskimo Kiss, na nagdulot ng kakaibang pakiramdam kay Reese, sa lahat ng pagkakataong nakasama niya si Jeremy, ito ang unang beses na may naramdaman siyang kakaiba, ang saya na naramdaman niya matagal nang panahon, na para bang may mga ala-ala siyang bumabalik.

Naging moment nila ang ilang sandaling 'yon, na para bang nasa isang pelikula, ganun din pati mga taong nanonood, para bang nakakita sila ng moment na talagang tumagos sa kanila.

"Whoah!" sabi ng MC at naghiwalay na sina Reese. "Nice move Mr. Dela Fuerte! We're expecting a kiss on forehead or cheeks, bakit ganiyan?"

"U-Uhm, kiss din naman 'yun di ba? A-Atsaka, n-nakakahiya naman kung madadampi ko 'yung labi ko sa kaniya, di ba?"

Napangiti na lang ang MC at ibinigay ang prize nila, tig-isang couple na teddy bear at tig-isang box of chocolates.

"Uhm, see you around Jay, may aasikasuhin pa kasi ako." Pagpapaalam ni Reese at nagmamadaling umalis.

"S-Sige, mamaya na lang, I love you," bulong ni Jeremy na mukhang tanga na talagang star-strucked kay Reese, matindi na rin ang pamumula niya at kitang-kita ng marami kaya napayuko siya at bumalik na sa table.

"Pare!"

"Arston, i-ikaw pala,"

"Ang bangis mo!" Tumayo ito at inakbayan siya bago sila naupo ulit.

"Uhm, si Lily?"

"Huh? Teka, kasama ko lang kanina, baka naman nag-C.R. lang,"

"Oo, baka nga," sagot ni Jeremy na kabado pa rin dahil sa nangyari.

"Naku pare, kamukhang-kamukha niya si Cheska pag malapitan!"

"O-Oo nga,"

"Naks naman, ang lupit! Nag nose to nose kayo!"

"O-Oo nga, di ako, makapaniwala,"

"Teka, bakit parang magkakilala na kayo? Atsaka, balita ko, dinate mo siya sa resto, ikaw ha! Pinaglilihiman mo ba 'ko?!"

"Hindi, magkaibigan lang kami,"

"Eh ba't madalas kang wala?"

"Eh ano eh..."

"Nagde-date pa ba kayo?!"

"Hindi ah! Hindi!"

"Haay, sabagay, torpe ka,"

"Sira," bulong ni Jeremy at kumain siya ulit.

Maya-maya pa nagsimula na ang mismong event, ang endorsement ng produkto, maraming mga buisnessman at ilang kilalang personalities ang nagsalita sa harap at nag-promote, kasama na rin dun si Reese na pinanood at pinakinggan ng maigi ni Jeremy na buong oras tulala, nag-iimagine at nakanganga sa sobrang paghanga niya rito.

Maya-maya...

"Teka, pre, nasaan na si Lily?! Kanina pa hindi bumabalik!" sabi ni Arston pero hindi siya narinig ni Jeremy na tulala at nakatitig pa rin kay Reese na nasa harapan. "Pare, si Lily hindi pa bumabalik! Pare!" sabi pa ni Arston pero parang di siya narinig ni Jeremy.

A Guy Like MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon