“Haaay, it's been a long, long day, nakakapagod,” sabi ni Reese pagkapasok na pagkapasok pa lang ng condominium unit at kaagad na ibinagsak ang katawan niya sa malambot na sofa bed sa living room.
“Pahinga ka na, nakakapagod nga 'yung ginawa mo maghapon,” sabi naman ni Jeremy na kasunod lang niya at isinara na ang pinto atsaka inilapag si Pickles sa tabi ni Reese.
“Jay, pasensiya ka na ha?”
“Saan naman?”
“Nalimutan kita,”
“Ha?” Bigla na lang na parang may matinding kirot sa pusong naramdaman si Jeremy nang sabihin 'yon ni Reese.
“Nalimutan ko na hindi ka pa nga pala nagdi-dinner dahil nga may date ako... kung puwede sana, ikaw na lang ang kumuha ng pagkain sa ref, pagod na pagod na kasi ako,” sabi ni Reese habang nakadapa at nakalubog ang mukha sa unan.
“I-Iyon lang pala,” sagot ni Jeremy at medyo napahiya sa sarili niya.
Kung anu-ano na kasing pumasok sa isip niya dahil sa salitang "NAKALIMUTAN" para namang may special something sila para huwag siyang malimutan ni Reese, wala nga palang ganun, driver lang siya, walang sila, assumero.
“Ugh, ang sakit ng ulo ko,” bulong ni Reese.
Narinig 'yun ni Jeremy kaya naman nagpunta siya sa kusina kung nasaan ang medical kit at kumuha ng gamot at tubig.
“Ito oh, uminom ka ng gamot,” sabi ni Jeremy kaya't humarap sa kaniya si Reese at naupo na ng maayos.
“Salamat.” Tinanggap naman niya ang gamot atsaka na uminom.
Habang lumalagok ng tubig si Reese dahan-dahan, napanganga na lang si Jeremy habang nakatitig sa mga labi niya, at sunod sa leeg ni Reese. Para bang na-hypnotize na si Jeremy sa panonood lang kay Reese.
“Grabe, ito na ata ang pinaka-sexying bagay na ginawa ni Reese sa harapan ko,” saad ni Jeremy sa isipan niya. “Ang hot niya tignan, dyosa talaga siya, n-na-natutunaw, a-ako,”
Hanggang sa...
“Jay? Jay? Okay ka lang? Jay?” tanong ni Reese sa kaniya dahil tulala na siya.
“H-Huh? Ano? Ha? Ano 'yon?” Nabalik siya sa sarili niya bigla.
“Mukhang napagod ka nga ng husto,”
“H-Hindi naman, di naman... siya nga pala Reese, uwi na'ko ha? Gabi na eh, saamin na lang ako kakain, nakakahiya kasi eh,”
“Hindi, sige lang, kumain ka lang rito hangga't gusto mo, don't be too shy,”
“Aah, eh, s-sige, maybe next time. Pagod na rin kasi ako, uwi na'ko, baka, baka nakakaistorbo ako sa, sa pamamahinga mo,”
“Uhm, hindi naman, ayos lang na nandito ka atleast may kasama ako, nag-text si PJ na di muna siya rito uuwi eh,”
“T-Talaga?!” Pumalakpak naman kaagad ang tenga ni Jeremy dahil dun.
“Oo pero... may point ka, gabi na nga naman kaya kailangan mo nang umuwi at magpahinga,” sagot naman ni Reese.
Medyo napaisip si Jeremy na dapat nga pala solohin niya si Reese, pero dahil sa pagiging gentleman niya, na-kontra ng mga sinabi niya ang mga dapat na pagkakataon niya na magtagal sa condo ni Reese.
“Oh!” he exclaimed nang tumingin siya sa relo niya. “Reese, uhm, 12:00 A.M. na,”
“Talaga? Naku, pasensiya na kung natagalan ako kanina ha? Ayan tuloy, ginabi ka ng husto,”
“H-Hindi, ayos lang, o pano? Uwi na'ko, bye!”
“Ihahatid kita,”
“Naku, hindi na kailangan,”
BINABASA MO ANG
A Guy Like Me
General FictionHanggang kailan mo kayang maghintay para sa kaniya? Hanggang saan ang kaya mong gawin mapansin lang niya?