"What?!" Napatayo sa kinauupuan niya ang presidente ng entertainment agency ni Reese.
"I'm sorry Sir," sabi ni Reese at yumuko.
"Haay," sambit nito at napasapo sa noo. "Di mo ako inimbitahan!"
"S-Sorry po ulit," sabi ni Reese.
"Haha! Biro lang darling, medyo nagseselos lang ako but then... congratulations," sabi nito at nginitian siya ng sobra. "nalulungkot ako na di ako imbitado but I understand since mukhang gusto mo na relatives lang ang nasa kasal mo. By the way, hindi naman ito magiging malaking problema sa career mo unless hindi tayo mag-iingat,"
"Iyon nga rin po ang iniisip ko Sir Duke,"
"We'll keep this confidential as long as marami kayong projects ni Harvey, I won't let anyone just know the truth na kasal ka na. Matagal mong itatago, but then it's alright para mas may privacy kayo ng asawa mo, at pagkatapos saka na natin bubuwagin ang loveteam niyo. Slowly but surely,"
"Thank you po,"
"We'll keep this as a secret kahit sa buong kumpanya para mas okay, don't worry nandiyan si PJ he can take care of it, and I'll do my best to protect you."
---
"Ma'am!" Tumakbo papalapit sa kaniya si Jeremy paglabas niya ng lobby galing sa office, maraming nagtinginan sa kanila dahil sikat na sikat si Reese at isa pa wala man lang siyang kasamang security personnel. "Binili kita ng donuts!" sabi ni Jeremy habang kumakain.
"Thank you!" sabi ni Reese at naupo sila sa sofa, maraming kumukuha ng litrato sa kaniya at maraming tao kaya naman alam nilang dapat mag-ingat sila.
"Bubble tea, taro," sabi ni Jeremy at iniabot kay Reese.
"Kabisado mo na ha?"
"Siyempre ikaw ata ang asa–"
"Jay!" sabi niya at napatakip ng bibig niya si Jeremy.
"Sorry po ma'am," sabi niya at nagngitian sila, kumain lang sila sa isang tabi habang nag-uusap-usap nang mapansin ni Jeremy na hindi suot ni Reese ang wedding ring nila at siya lang ang may suot. Alam niyang parte iyon ng privacy control pero kumirot pa rin ang puso niya sa nakita.
"Are you alright?" tanong ni Reese sa kaniya.
"Yeah, shall we? Madami pa po kayong hahabuling schedules," sabi ni Jeremy at umalis na sila, maraming fans na ang bumuntot sa kanila sa parking lot kaya todo harang si Jeremy kay Reese at nag-ala body guard na rin siya since hindi present ang bodyguard ni Reese kapagka magkasama silang dalawa ni Jeremy.
"Whew! Ang daming tao!" sabi ni Reese at nakasilip sa labas ng bintana habang kinakawayan ang fans niya at si Jeremy tahimik lang na nag-drive, pansin ni Reese na nananahimik ang mister niya kaya naman kinausap niya ito nang maisara na ang bintana. "Baby?"
"Yep?"
"Bakit ang lungkot mo ata bigla?"
"W-Wala lang, 'wag mo pansinin,"
"Ayaw kong malungkot ka, one month pa lang tayong kasal bakit malungkot ka?"
"'Wag mo na lang alalahanin, kapag sinabi ko kasi maiistorbo ka pa, mapapa-isip pero naisip ko namang di naman gaano kaimportante,"
"Eh ano nga?" tanong ni Reese pero di siya kinibo ni Jeremy, hanggang sa makarating sila sa susunod na pupuntahan, sa isang ice cream parlor kung saan may pupuntahang interview si Reese para sa teens magazine.
Sa backdoor sila dumaan at pinatuloy muna sa office ng lugar habang nag-hihintay sa media, maaga siyang nakarating kaya ganoon at si Jeremy nananahimik lang habang kinakausap ni Reese ang may-ari ng ice cream parlor. Habang naghihintay kumain na lang si Jeremy ng binigay sa kaniyang ice cream, medyo unfair dahil regular lang ang bigay sa kaniya at extra special ang kay Reese, di kumukibo si Jeremy kaya nangisi si Reese at biglang ipinag-palit ang malaking bowl ng ice cream niya sa maliit na bowl ng ice cream ni Jeremy.
BINABASA MO ANG
A Guy Like Me
Ficción GeneralHanggang kailan mo kayang maghintay para sa kaniya? Hanggang saan ang kaya mong gawin mapansin lang niya?