In Beijing, China. (6:33 a.m)
Luhan's POV
Napahikab ako at agad na bumangon sa kama.
Dumiretso ako ng banyo at naghilamos.
Tinitigan ko pa ang sarili ko sa salamin.
Ilang taon na din ang nakakalipas, simula ng umalis ako ng pinas.
At madaming nagbago sa buhay ko ngayon.
Napapailing nalang ako, kapag naaalala ko ang nakaraan.
*Tok tok tok*
"Eren, nandyan ka ba? Gising na ang lahat. At ilang saglit lang, dadating na si manager."
Napatingin ako sa pinto. "Oo, nandito ako! Bababa na din ako."
Tsaka ako nagsipilyo at lumabas ng banyo.
Naabutan ko naman si Kyle na nakahiga sa kama ko.
"Oh?"
Napatingin sya saakin. "Oy, gising ka na pala."
"Bakit ka pa nakahiga dito?"
Umiling lang ito at bumangon sa pagkakahiga. "Ito kasing si Charlie, halos yugyugin na ako sa kama. Kaya bumangon na ako. Pero antok pa ako, bro."
Natawa naman ako sa sinabi nya. "Matulog kalang dyan."
"Wag na, hindi na ako inaantok." tsaka ito tumayo at dumiretso ng pinto. "Tara, kain na tayo!"
Sumunod nalang ako sakanya, at bumaba ng kusina.
Naabutan namin sila Charlie at Shone na kumakain ng Bacon at Fried Rice, naalala ko tuloy si Baekhyun, yung mga yun. Kamusta na kaya sila? Wala na akong balita sakanila.
"Oy, kain na kayo. Dadating na si manager." sagot ni Charlie tsaka ito uminom ng kape.
Umupo na ako sa katabing upuan ni Shone at kumuha ng Bacon.
Kapag si Charlie ang unang nagising, pagkaing gusto nya ang kakainin namin.
"Guys, sabi ni manager magcoconcert daw tayo sa pinas." napatingin ako kay Charlie.
"T-talaga?" yun agad ang nasabi ko.
"Oo eh, since hindi na din ako nakakauwi sa pilipinas. Nakakaexcite na umuwi dun at makita ulit ang mga kaibigan ko."
Sila Claire agad ang pumasok sa isip ko pagkasabi ni Charlie nun.
Isa kaming 4 sa half chinese at half filipino na sumikat sa industriya ng tsina.
Sumikat kami dahil kay Manager Yu. At utang namin sakanya ang kasikatan na meron kami ngayon.
Nakatira kaming apat sa malaking condo, every sunday umuuwi kami sa mga pamilya namin at tuwing lunes, back to routine nanaman kami sa pagiging Domes-T-Quia.
"Boys!" Napatingin kaming lahat sa paparating na si Manager Yu.
Naka-light na makeup ito at nakablazer, nakaponytail din ang buhok, Na mas lalong nagpaganda sakanya ngayon.
Kasing edad lang namin si Manager Yu, Shina talaga ang pangalan nito. At half filipino din sya tulad namin.
"Manager!" pangunguna ni Kyle, dahil may gusto ito kay Manager.Yu
Inirapan lang sya nito at umupo sa katabi kong upuan.
"Busted si Kyle!" pangangasar ni Charlie.
Sinamaan lang ni Kyle ng tingin si Charlie at busangot na kumain.
"Boys! Alam nyo na ba ang balita?" paguumpisa ni Manager.Yu
"Oo, manager!" masiglang sagot ni Shone.
Nakikinig lang ako sakanila habang kumakain.
"So, ito na nga ang ibabalita ko sainyo."
"Na-cancel ang concert nyo!" pagpapatuloy nito.
Natigilan kaming lahat.
"ANO?!"
BINABASA MO ANG
Who Are You?
Roman pour AdolescentsIlang taon na ang nakakalipas simula ng umalis si Luhan sa bansa, maraming nagbago sa buhay nya ng dumating sya sa tsina, nakilala ito bilang isang sikat na miyembro ng Domes-T-Quia na si Eren. At sa isang iglap lang, mawawala ito ng basta-basta sa...