Luhan's POV
Nandito ako sa isang bar.
Tatlong oras na akong umiinom pero hindi pa din ako nalalasing.
Ilang saglit lang, may lumapit saakin.
Napatingin ako kay Tiffany na naka-kunot ang noo.
Isa syang sikat na artista sa buong china na may gusto saakin.
"Eren? Anong ginagawa mo dito?"
Hindi ko sya pinansin at uminom nalang ng alak.
"May problema ka ba?"
Napatingin ako kay Tiffany.
Marahan itong tumingin saakin, agad naman akong umiwas ng tingin sakanya.
"Eren, kung may problema ka nandito lang ako para makinig sayo." dugtong nito.
Umiling lang ako. "Hindi na kailangan pero maraming salamat!"
Napangiwi lang ito saakin at tumayo. "Alam mo, ang bad mo! I just want to listen, papakinggan ko yang problema mo. And who knows? Makatulong ako dyan sa problema mo."
Umiling ulit ako at hindi na sumagot pa.
Kaya tumayo nalang ito at naglakad paalis.
Napalingon naman agad ako sakanya.
"Sandali!" napatayo ako sa upuan at hinabol sya.
"Samahan mo muna ako." dugtong ko.
Ngumiti lang ito at naunang bumalik sa upuan.
Umupo na din ako at nagkwento. "Mahalaga ba ang buhay ko ngayon? O mas pipiliin ko ang mga kaibigan kong matagal na panahon ko ng hindi nakikita?" sagot ko at tumalumbaba sa table na pabilog habang nakatingin sakanya.
Napaisip naman ito.
"Alam mo kasi Eren, sa loob ng pitong taon ko dito sa industriya, marami na akong nakilalang kaibigan, hindi na real friend ha! Siguro nakakasundo ko lang sila sa mga bagay-bagay pero never akong nagoopen up sakanila. Eversince, wala pa akong nagiging kaibigan. Homeschooler ako at only child. Wala akong kapatid, so hindi ako naging masaya noong bata ako. Kahit na nabibigay nila mommy ang gusto ko, kulang parin ang kasiyahan ko dahil wala akong naging kaibigan or kalaro man lang. Pero nang dumating ang career ko na to. Para saakin, mahal ko na ang ginagawa ko. Kaya nga tumagal ako sa showbiz ng 7 years at never pa akong nalaos tulad ng ibang artista."
Napatingin ako sakanya habang nagkwekwento.
Nakangiti ito habang nakatingin saakin.
"Para saakin, Eren. Mahalaga ang career. Pero iba pa din pag may kaibigan, alam mo yun? Lagi silang nandyan kahit ano pang mangyari sayo. Hindi tulad ng mundo na meron ka ngayon, hindi mo nalang namamalayan, bumabagsak ka na ng paunti-unti at nawawala na ang lahat ng pinaghirapan mo."
Napaisip ako sa sinabi ni Tiffany.
BINABASA MO ANG
Who Are You?
Teen FictionIlang taon na ang nakakalipas simula ng umalis si Luhan sa bansa, maraming nagbago sa buhay nya ng dumating sya sa tsina, nakilala ito bilang isang sikat na miyembro ng Domes-T-Quia na si Eren. At sa isang iglap lang, mawawala ito ng basta-basta sa...