Shina's POV
[in Beijing, China.]
Napabugtong hininga si Charlie.
"Kamusta na kaya si Eren?" tanong nito.
Napakibit balikat lang si Shone. "Siguro naman, masaya na sya. Lalo na't yun ang gusto nya."
Napatango lang ako sa sinabi ni Shone.
Napahinto kami sa pagkwekwentuhan ng mag-ring ang phone ko.
"Hello?" sagot ko dito.
"Hello, Ms.Yu! Si Glenn to."
"Ah. Ikaw pala." tsaka ako tumayo sa pagkakaupo at lumabas ng kwarto.
"May ibabalita lang ako sayo."
"Ano po yun?"
"Gusto ko lang sabihin na naka-schedule na ang concert nyo."
Napakunot ang noo ko.
Concert? Saan? Bakit wala akong alam dun?
"Concert? Saan naman?" sagot ko.
"Nabigyan na kayo ng schedule para makapag-concert ang domes-t-quia sa pilipinas. Sa next week i-aanounce sa publiko ang nasabing concert, para makapag-ipon na ang mga fans ng mga alaga mo."
Napatango lang ako. "Ah sige, salamat."
"Oh, sige. Yun lang naman ang sasabihin ko."
"Sige, bye." tsaka ko kinall-end at pumasok sa loob ng practice room.
Napahinga ako ng malalim. "Since napag-usapan natin si Eren, makikita natin sya next month."
"Huh? Bakit? Magbabakasyon ba tayo sa pilipinas? Manager?"
Napailing ako. "Magcoconcert kayo. At naka-schedule na kayo. Next week ang announcement para sa upcoming concert nyo. Para makapag-ipon ang mga domes-t-quians."
Napatango lang silang tatlo. "Grabe, biglaan ata yun ah. Pero, miss ko na ang pilipinas. Haha." natatawang sagot ni Shone habang iniikot ang drum stick sa mga palad nya.
Sumangayon naman ako sa sinabi ni Shone.

BINABASA MO ANG
Who Are You?
Подростковая литератураIlang taon na ang nakakalipas simula ng umalis si Luhan sa bansa, maraming nagbago sa buhay nya ng dumating sya sa tsina, nakilala ito bilang isang sikat na miyembro ng Domes-T-Quia na si Eren. At sa isang iglap lang, mawawala ito ng basta-basta sa...