Chapter 16

130 29 0
                                        

Luhan's POV

"Paano mo nga pala nalaman na si Claire ang babaeng--"

"Hey, wag mo ng ituloy!" mabilis na sagot nito.

Nilapag nya muna sa lamesa ang zagu na iniinom nya tsaka sya tumingin saakin. "Alam mo kasi, lagi kang nakatingin sa babaeng yun." nakabusangot na sagot nito.

Napatango lang ako sakanya.

Nandito kami ngayon sa isang bench.

Palihim kaming lumabas sa restaurant para makapagkwentuhan ng maayos.

"Alam mo, hindi pa din ako makapaniwala Eren. Na kasama kita ngayon. Grabe, hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ngayon." Nakatalumbaba itong nakatingin saakin.

Napangiti lang ako sa sinabi nya.

"Sana kahit wala na ako sa Domes-T-Quia, suportahan mo pa din ang grupo tulad ng pagsuporta mo noon." sagot ko.

Tumango lang ito. "Oo naman Eren! Domes-T-Quian pa din ako, kahit wala ka na sa grupo!" malapad itong ngumiti.

Ngumiti lang din ako sakanya.

Natigilan naman sya bigla.

"O-oh?" tanong ko.

Umiwas lang ito ng tingin. "Nakakainlove ka Eren, lalo na yung ngiti mo." agad naman itong namula kaya natawa ako ng malakas.

"B-bakit?" takang tanong nito.

"Wala, nakakatawa ka lang kasi." sagot ko.

Napatango lang ito at nakisabay na din sa pagtawa ko.

Ang saya nya palang kasama. At sa tingin ko, magkakasundo kami.

"Alam mo Eren, marami akong gustong sabihin sayo."

Napatingin ako sakanya. "Tulad ng ano?"

"Alam mo kasi, nung nasa korea ako. Palagi akong nagtatanong sa sarili ko kung posibleng kayang magkita tayo? I mean, kung makikita ba kita sa personal. At hanggang ngayon, hindi ako makapaniwala na nandito ka sa harapan ko ngayon, at naiiyak ako sa tuwa."

Napangiti lang ako sa sinabi nito.

"Paano mo ba nakilala ang Domes-T-Quia?" tanong ko.

"Sikat kasi kayo sa korea, kaya karamihan sa mga classmates ko, fan kayo. Nagresearch ako ng kaunti about sa grupo nyo at shocks lang! Kasi ang popogi nyo." nakangiting sagot nito.

Napapatango lang ako sa sinabi nya.

Nakakatuwa sya at masaya ako at nagtagpo ang landas namin.

Who Are You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon