Chapter 40

92 27 2
                                        

Luhan's POV

"Concert pala ng domes-t-quia sa friday."

"Oo nga eh." sagot ko kay Krystel.

Tumingin ito saakin. "Pupunta ka ba?"

Napatango lang ako sakanya. "Oo, nangako ako sakanila na susuportahan ko sila kahit wala na ako sa banda."

"Omg! Ililibre mo ba ako ng ticket?"

Natawa naman ako sa sinabi nya at tumango nalang. "Oo." sagot ko.

Yumakap naman ito sa braso ko habang naglalakad.

"Hehe. Joke lang yun no!" sagot nya.

"Ah." sagot ko.

Tumawa lang ito ng malakas. "Ang bilis mo naman kasing maniwala. Haha."

Tumingin lang ako sakanya.

Ang saya nyang tignan, para syang anghel na binigay saakin.

Kahit na makulit ang isang to' Napapasaya nya talaga ako.

2 months ko na syang girlfriend. At hindi namin maitatago na minsan, nagkakatampuhan talaga kami.

Tulad nalang nung issue nung nakaraang buwan na may kumakalat na mag-secret on daw kami ng tiffany dahil may sumunod nga kay Tiffany'ng paparazzi habang papunta ito nung umaga sa condo ko. Nahuli din nito na hinalikan ako ni Tiffany sa pisnge. Mabilis na kunalat yun, kaya nung malaman yun ni Krystel. Nagalit ito saakin.

Natatawa tuloy ako sa sinabi nya nung mga panahon na yun na 'Ninakaw daw ni Tiffany ang first kiss ko na dapat daw para sakanya'

Kung alam nya lang, na sya ang first kiss ko talaga. Haha.

"Hoy, Eren! Anong pinagiisip mo dyan? Kanina ka pa tulala."

Napatingin ako sakanya at napa-'Huh?'

"Naku, sinasabi ko na nga at hindi ka nakikinig saakin eh!"

Tumigil ito sa paglalakad at kinuha ang bag nya na bitbit ko ngayon.

Busangot itong naglakad mag-isa.

Napapailing nalang ako at sumunod sakanya.

"Sorry na nga diba!"

"Che!" sagot nito.

Who Are You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon