Chapter 4

197 32 0
                                    

Luhan's POV

"Eren, Ano ba? Kanina ka pa tulala dyan? May problema ba?"

Nandito kami ngayon sa isang SUV, Papunta kami sa isang morning show na sikat sa buong china para i-plug ang bago naming album.

Sabado ngayon, kaya maraming Domes-T-Quians ang manunuod. (Domes-T-Quians means Fandom's Name)

Napatingin lang ako kay Manager Yu at umiling.

"Weh? Sabihin mo na kasing naghahamon sayo yung kaibigan mo!" sagot ni Shone na katabi ni Manager Yu.

Napatingin silang lahat kay Shone.

"Anong ibig mong sabihin?" sagot ni Charlie.

Huminga ng malalim si Shone. "Kaninang umaga, may isang lalaki na naghahanap kay Eren."

"At binuksan mo naman?" nakataas na kilay na sagot ni Manager Yu.

"Wala akong magagawa, tinawag nya ang tunay na pangalan ni Eren, at sa tingin ko naman, matagal na nya itong kakilala."

Napatingin ako kay Shone.

A-ano? Tinawag ako ni Chanyeol na Luhan?

"Ano ba talaga ang problema nyo ng kaibigan mo? Pwede nyo namang pagusapan ang dapat na pagusapan." sagot ni Manager Yu.

At ngayon, ako naman ang napahinga ng malalim.

"Bago ako pumunta dito sa beijing kasama ang kapatid ko, may babae akong minahal."

Nakikinig lang sila sa kinikwento ko.

"Naging girlfriend ko sya, pero hindi ko maramdaman yung pagmamahal nya dahil nung mga panahon na yun, si Kris pala ang gusto nya."

Nandito nanaman ang sakit.

Pero hindi ko pwedeng ipakita sa mga to, na nasasaktan ako.

"Sino si Kris?" tanong ni Manager Yu.

"Kaibigan ko." nagulat sila sa sinabi ko, maliban kay Manager Yu.

"Napaka common na nyang story mo. Marami akong kaibigan na nangyayari ang mga ganyang bagay. Pero masakit yang nararamdaman mo, masaya ako at nagopen ka saamin." nakangiting sagot ni Manager Yu.

"Excuse me po, pero nandito na po tayo sa building ng Changmai." sagot ni Kuya Efren. Tatlong taon na syang driver ng pamilya Yu at Pilipino din sya tulad namin. (Family ni Manager Yu)

Napatingin kami sa labas ng SUV.

Ang daming Domes-T-Quians nagaabang sa labas ng building.

Napahinga ako ng malalim.

"Labas na kayo boys! Nasa labas na ang mga guard." sagot ni Manager Yu.

Isa-isa kaming lumabas ng SUV, kasabay ng malakas na tilian at hiyawan ng mga fans.

Who Are You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon