Luhan's POV
"Ang sasarap ng mga cake!"
Napapatingin nalang ako kay Krystel at Bianca habang kumakain ng cake.
Nandito kami sa bakeshop kung saan kami madalas magpunta ni Krystel.
"Ang sarap ng cake bessy! Hohoho!" sagot ni Bianca.
Oo, kasama si Bianca, ang partner in kalokohan nitong si Krystel.
2 buwan kong girlfriend si Krystel.
At naayon naman sa plano ang gusto kong mangyari.
Nabuhay ako ng simple at normal.
Walang camerang nakapaligid at hindi na ako ginugulo pa ng mga fans.
"Eren, try mo tong tikman!" sinubuan ako ni Krystel at kinain ko naman ito kaagad.
Ngumiti ako sakanya. "Anong flavor?" tanong ko.
"Rocky road ata?!"
Tumingin sya kay Bianca. "Diba bessy?"
Tumango lang ang kaibigan bilang sagot.
"Good morning, Mr.Xi!"
Napatingin kami sa lalaking papasok ng shop.
Napatayo ako ng makita ko si Papa.
Nadako naman ang tingin nito at nanlaki ang mata.
"L-luhan?"
Lumapit ako sakanya. "Pa."
"Nandito ka na pala nak. Kahapon ka lang dumating?"
Umiling ako. "7 months na akong nandito, Pa."
"Oh? Bakit ang tagal mong nandito? Paano na ang career mo sa beijing?"
"Matagal na po akong umalis ng banda."
Napatango lang si Papa. "Nasaan si Taeyeon? Saan kayo nakatira ngayon?"
"Nasa beijing si Taeyeon, ako lang ang nandito."
"Ah, ganun ba."
"Pa, Saan ka na nakatira? Pinuntahan kita sa subdivision mo pero matagal ka na daw wala doon."
"Nasa St.Monique na ako nak, malapit kasi yun dito sa negosyo ko."
"Huh? Negosyo?" taka kong sagot.
Tumango lang ito. "Oo, negosyo ko ang bakery na ito."
Nagulat ako sa narinig ko.
Kay Papa itong bakeshop?
Doon ko lang napatantong 'Miyk Xi's BK Shoppe' ito.
"Eren." lumapit saamin si Krystel at Bianca.
Kaya inakbayan ko si Krystel sa harap ni papa.
"Pa, si Krystel nga pala, girlfriend ko."
Ngumiti lang si Papa kay Krystel.
BINABASA MO ANG
Who Are You?
Подростковая литератураIlang taon na ang nakakalipas simula ng umalis si Luhan sa bansa, maraming nagbago sa buhay nya ng dumating sya sa tsina, nakilala ito bilang isang sikat na miyembro ng Domes-T-Quia na si Eren. At sa isang iglap lang, mawawala ito ng basta-basta sa...