Chapter 12

140 29 0
                                        

Luhan's POV

"Kakasimula palang ng kasikatan natin, tapos aalis ka." sagot ni Charlie.

"Wag kayong mag-alala, kahit wala na ako sa grupo, lagi ko kayong susuportahan."

Ngumiti lang sila saakin. "Puntahan mo kami dito kapag nakabalik ka na ng bansa." tinapik ako ni Kyle sa balikat.

Nginitian ko lang ito. "Sige ba!"

"O sya! Tama na yan! May pupuntahan pa tayo."

Tsaka kami umalis at pumunta ng network kung saan kami mag-guguest ngayon.

Huling pasilip ko na to sa telebisyon dahil bukas na bukas din, maglalaho na ang Eren na nakilala ng lahat.

Babalik na ang totoong ako.

Kris POV

Naglalakad ako sa hallway ng school. Bitbit ko ang bola, kakatapos ko lang magpractice ng basketball kasama ang team ko.

"Grabe, aalis na daw si Eren sa Domes-T-Quia."

Napahinto ako sa paglalakad at pinakinggan ang sinasabi ng babae.

"Bakit sya aalis?!"

"Gusto na daw nyang mabuhay ng normal at makita ang mga kaibigan nya."

"Huh? Kaibigan? Bakit nasaan ba ang mga kaibigan nya?"

"Hindi ko din alam. Pero naiiyak ako. Hindi ko matanggap na aalis na sya sa Domes-T-Quia. "

Aalis na pala si Luhan sa grupo nya?

At dinahilan nya pa kami sa pagalis nya.

Napakunot ang kilay ko at nakakuyom ang mga palad ko.

Yung lalaking yun, makakatikim talaga sya saakin kapag nakita ko sya ng harapan.

Luhan's POV

Bago tuluyang matapos ang show, nagsalita si Manager Yu para sa announcement.

Napatingin ang lahat sakanya.

"Hello everyone!" paguumpisa nito. "Ikukumpirma ko lang sainyo na aalis na sa grupo si Eren! Simula ngayong araw, wala na sya sa domes-t-quia."

Napahinto ang lahat, may mga nagbubulungan pa.

At yung iba sumusigaw na isang lang itong biro.

Napayuko ako. "Gusto ko ng normal na buhay, at isa pa namimiss ko na ang mga kaibigan ko. Gusto ko na silang makita."

Sumisigaw na ang mga fans at yung iba ay umiiyak nalang.

Hindi ako makatingin sakanila.

Nasasaktan ako sa mga taong sumusuporta saakin na ngayon ay umiiyak ng dahil saakin.

Napahinga nalang ako ng malalim. "Utang ko ang lahat sainyo, pinapalakas nyo ang loob ko Domes-T-Quians. Mahal na mahal ko kayo, at hindi ko kayo makakalimutan!" doon na tumulo ng tuluyan ang mga luha ko.

Masakit para sa tulad ko na iwan ang buhay na meron ako ngayon, pero mahalaga ang mga kaibigan ko. At sila ang pipiliin ko, ano man ang mangayari.

Who Are You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon