Luhan's POV
Hanggang ngayon, nandito pa din ako kung saan kami kanina ni Krystel nakaupo.
Tatayo na sana ako ng marinig ko ang boses ni Claire.
"Ano ba Kris, nasasaktan ako!"
"S-sorry."
"O-okey lang, medyo napalakas lang yung pagkakahatak mo saakin."
"Sabi ko, sorry."
"Oo nga, okey lang."
"Sabi ko, Sorry. Sorry sa mga nagawa ko. Hindi ko sinasadya."
Napasilip ako ng kaunti. At magkayakap ang dalawa.
"O-okey lang yun Kris, hinihintay ko lang naman yung sorry mo. Hindi naman ako galit sayo."
"Hinhintay ang sorry ko? Kung tutuusin nga, dapat ikaw ang mag-sorry saakin. Hindi mo man lang ako pinakinggan."
Nakitang kong bumusangot si Claire pero yinakap nalang ito ni Kris. "Tara na nga. Nagugutom na ako!" tsaka sila naglakad palayo.
Napabugtong hininga naman ako pagkaalis nila.
Masaya ako para sakanilang dalawa.
Krystel's POV
"Nasaan na kaya yun?" ilang minuto na akong naghahanap sa buong venue at wala paakong nakikitang Eren hanggang ngayon.
Nasaan na kaya yun?
Si Kuya kasi eh. Ugh! -_-
"Krystel?" napalingon ako ng marinig ko ang boses nya.
"Eren!" agad ko itong niyakap pagkakita ko dito.
"Krystel, papatunayan ko kay Sehun na mali sya ng iniisip."
Natawa naman ako sa sinabi nya. "Wag ka ngang maniwala kay Kuya, pinagtitripan ka lang nun kanina."
"H-huh?" sagot nito.
"Pakulo lang ni kuya yung mga sinabi nya sayo kanina."
Napatango lang ito. "Loko talaga yun."
Tsaka iti may inabot saaking box. Binuksan ko ito, at expected strawberry shortcake ito.
Tinikman ko ito gamit ang daliri.
Teka, bakit mapait? Idudura ko na sana ng magsalita sya.
"Masarap ba? Gawa ko yan." sagot nito.
Napatango lang ako. "O-oo." tsaka ako ngumiti ng malapad.
Gawa nya pala ito. Kailangan kong ipakita sakanya na nasasarapan ako sa ginawa nyang cake para saakin. Para hindi masayang ang pagod nya sa pag-gawa nito.
Luhan's POV
Huminga ako ng malalim bago tumingin sakanya.
"Krystel. Sana tanggapin mo itong regalo ko. Simbolo ito ng pagpasok ko sa buhay mo."
Napangiti ito bago ko sinuot sakanya.
"Eren, ito na ang pinaka masayang birthday ko!"
BINABASA MO ANG
Who Are You?
Novela JuvenilIlang taon na ang nakakalipas simula ng umalis si Luhan sa bansa, maraming nagbago sa buhay nya ng dumating sya sa tsina, nakilala ito bilang isang sikat na miyembro ng Domes-T-Quia na si Eren. At sa isang iglap lang, mawawala ito ng basta-basta sa...