Chapter 21

105 28 2
                                    

Luhan's POV

"Sigurado ka bang lalabas ka ng bahay na ganyan ang suot mo?"

Napatingin naman ako sa suot ko ngayon.

Ano bang problema?

Naka v-neck shirt ako at black skinny jeans.

"Bakit? May problema ba sa suot ko?" takang tanong ko sakanya.

"Walang problema sa suot mo Eren. Pero, baka may makakilala sayo! Mahirap na."

Napailing naman ako. "Ah, yun ba? Alam mo kasi. Kailangan ko ng sanayin ang sarili kong mabuhay ng normal at makilala bilang Luhan, yung dating ako. Kaya nga ako bumalik dito para mabuhay ng simple at normal. Tulad ng gusto kong mangyari. Kaya sana naman, wag mo na akong tatawaging Eren. Dahil hindi na ako miyembro pa ng Domes-T-Quia." ngumiti lang ako dito at naglakad na pababa ng sala.

Naiwan sya doong nakatayo.

Gusto ko syang silipin, pero sa tingin ko parang nasaktan ko sya sa sinabi ko.

Kaya dumiretso nalang ako sa kusina at kumain.

Ngayon, nakaupo na ako sa harap ng lamesa at umiinom ng kape.

Narinig ko namang bumaba na ito sa taas.

Saglit pa itong tumingin saakin bago lumabas ng bahay.

Uuwi na sya?

Krystel's POV

Hindi ko mapigilang hindi umiyak.

Masakit para saakin na sya na mismo ang nagsabi na wag na wag ko na daw syang tatawaging Eren.

Unting-unti ng tumulo ang mga luha ko.

Agad ko din naman itong pinunasan at bumaba na.

Nakita ko pa syang kumakain sa kusina, agad din akong umiwas ng tingin sakanya at dumiretso ng pinto.

Uuwi nalang siguro ako.

Luhan's POV

Naghihintay ako ngayon ng jeep, maghahanap kasi ako ng condo. Kakatapos ko lang mag-enroll at bukas pwede na akong pumasok.

Wala naman problema sa S.C.U, wala namang nakakakilala saakin.

"Luhan!" lumingon ako sa tumawag saakin.

Biglang huminto ang mundo ko.

Pagkakita ko sakanya.

Who Are You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon