Luhan's POV
"Salamat, Darren. At pinatuloy mo ako sa bahay nyo."
"Okey lang yun. Wala naman sila Mommy dito. Feel free ka sa pamamahay ni Darren Espanto."
Natawa naman ako sa sinabi nya.
"Kumain ka na ba?" tanong nito saakin.
Tumango lang ako. "Kumain na ako bago pumunta dito." sagot ko.
"Oh sige. Paano ba yan, pupunta na ako sa kwarto. Maaga akong papasok bukas, pasensya na Luhan."
Tumango lang ako sakanya. "Sige."
Tsaka ko sinarado ang pintuan.
Humiga na ako sa kama.
Masyadong mahaba ang araw na ito ngayon.
Mas nakakapagod pa ito kumpara sa ginagawa ko bilang Domes-T-Quia.
Tutal, ito naman ang gusto kong buhay, kailangan kong magtyaga at bumalik sa pagiging ako noon.
Laki ako sa yaman, pero natututunan ko ang mga bagay na nararanasan ng mga ibang tao.
Gusto ko lang naman ng simpleng buhay.
Tulad ng nangyayari ngayon.
Sumakay ako ng jeep at tricycle. Naglakad sa kalsada dala ang maleta.
At mahirap ito para saakin, pero kakayanin ko.
Wala na si Taeyeon sa tabi ko, mga kaibigan ko ang kasama ko. Pero kailangan kong mabuhay ng mag-isa at matutunan ang pamumuhay ng normal bilang si Luhan at hindi si Eren Lu, kailanman.
[Kinabukasan..]
Nagising nalang ako ng wala si Darren sa bahay.
Tulad ng sinabi nya kagabi, maaga nga itong pumasok.
Ako lang mag-isa sa malaking bahay na ito.
Pababa na ako sa sala ng may tumawag saakin.
"Good morning, Eren!^^"
Nagulat ako sa nagsalita.
Akala ko, ako lang ang tao dito.
Tumingin ako sa baba at nakita ko si Krystel.
Kumaway ito saakin at malapad na ngumiti.
Nakauniform din ito at may bitbit pang bag.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Binibisita ka." sagot nito.
"May pasok ka ha. Ano pang ginagawa mo dito?"
Umiling-iling lang ito.
"Nalate na ako kakahintay sayo. Kaya hindi nalang ako papasok!"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. "ANO?!"
BINABASA MO ANG
Who Are You?
Teen FictionIlang taon na ang nakakalipas simula ng umalis si Luhan sa bansa, maraming nagbago sa buhay nya ng dumating sya sa tsina, nakilala ito bilang isang sikat na miyembro ng Domes-T-Quia na si Eren. At sa isang iglap lang, mawawala ito ng basta-basta sa...