Chapter 33

82 28 0
                                        

Luhan's POV

Papauwi na ako ng condo ng makita ko si Claire na naglalakad sa kalsada.

"Claire!"

Napalingon ito pagkatawag ko sakanya.

"Oh?" sagot nito.

Binuksan ko ang bintana ng sasakyan.

"Saan ka pupunta?" tanong ko.

"Dyan lang. Wala akong magawa eh." nakayukong sagot nya.

"Tara! Sakay ka! Ihahatid kita sa pupuntahan." binuksan ko ang pinto ng sasakyan.

"Naku, wag na. Malapit na din naman." nakayuko pa din ito habang nakikipag-usap saakin.

"Claire, okey ka lang?"

"Ha?" tsaka ito tumingin saakin pero uniwas agad ito ng tingin at yumuko nalang.

Doon ko lang napansin na kakagaling lang nito sa iyak.

Bunaba ako ng sasakyan at hinarap sya. "Claire?"

"Okey lang ako. Wag mo nalang akong pansinin."

"Claire, ano bang problema? K-kaibigan mo ko. At kung tungkol man ito sainyong dalawa ni Kris, siguro kailangan ko ng makialam! Pinagkatiwala kita kay Kris, at alam kong mahal ka nya. Hindi ka nya lolokohin, magtiwala ka saakin. May mga bagay lang talaga siguro kayong dapat ayosin, at ayon ang pahabaan nyo ng pride."

Narinig kong humikbi ito. Kaya niyakap ko sya. "Umiyak ka lang Claire! Nandito lang ako para sayo."

Keziantel's POV

"Girls, tulongan nyi nga ako sa thesis ko!" sabi ni Geraldine.

"Naku, pass ako dyan." sagot ni Genevieve.

"Ako din!" sagot ni Ram.

Napatingin saakin si Geraldine kaya napailing nalang ako bilang sagot.

"Sus! Wala kang maasahan sa mga to, dine." sagot ni Xiumin.

"Ang yabang mo! Parang akala mo, ikaw may ibubuga." sagot ni Chanyeol.

"Ang ingay nyo! Kumain na nga lang kayo dyan!" saway ni Darren.

"Teka, nasaan na si Kris?" tanong ni Baekhyun.

"Mag-babanyo daw sya." sagot ni Sehun.

"Ah. Kala ko umalis na." sagot ni Darren.

Ilang saglit lang, nakita naming papasok si Luhan at Claire.

"Nasaan si Kris?" tanong ni Luhan.

"Nasa banyo, bakit?" tanong ni Sehun.

Hindi na sya sunagot pa dito at dumiretso ng comfort room.

Napatingin kami kay Claire, napaiwas lang ito ng tingin.

Nagulat nalang kami ng makarinig kami ng ingay sa loob ng banyo.

Who Are You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon