Chapter 29

84 28 0
                                        

Claire's POV

Naglakad ako papuntang bahay.

Napapaisip ako kay Kris.

Bwiset talaga yung lalaking yun!

"Claire."

Napatigil ako sa paglalakad at tumingin sakanya.

"Hoy, babae! Magusap tayo!"

"Wala tayong paguusapan! Umalis ka na!"

Tsaka ako naglakad palayo sakanya pero hinabol ako nito at hinawakan ang braso ko. "Alam mo, naiinis na ako! Punong punong puno na ako sayo! Pero hinihinahon ko lang ang sarili ko, kasi ayokong magalit sa harapan mo! Pero sumusobra ka na. Wala kang tiwala saakin Claire! At ang pinaniniwalaan mo lang ay yung nakita mo! Nihindi mo man lang ako pinagpaliwanag! Ayan ang hirap sayo."

Napatingin ako sakanya. "Anong gusto mong mangyari? Ha?"

Nakita ko pa itong napalunok ng laway. "Mas maganda sigurong mag-hiwalay nalang tayo."

Natigilan ako sa sinabi nya.

Nakikipag-break si Kris?

Nararamdaman kong nagbabadyang tumulo ang mga luha ko. Kaya hinatak ko na ang kamay ko sa pagkakahawak nya at tumakbo papuntang bahay.

Kris POV

Napapatitig nalang ako sa papatakbong si Claire.

Ewan ko ba kung bakit ko nasabi yun.

Siguro nadala lang ako ng emosyon ko.

Gusto ko syang habolin at yakapin.

Pero hindi ko kaya, nasabi ko na yun.

Wala na akong magagawa.

Napatingala ako para pigilan ang mga luhang nagbabadyang tumulo.

Pinipigilan kong hindi umiyak.

Ako si Kris Fan, at kahit kailan man, hindi pa ako umiiyak sa babae.

Humakbang ako ng ilang beses at sinilip ang kwarto ni Claire.

Naniniwala akong magkakaayos din kami.

Luhan's POV

"Wow! Ang sarap nung cake!" nagbrighten-up ang mukha nito pagkalapag ko ng cake at milk shake sa lamesa.

Natatawa nalang akong umupo at uninom ng milkshake habang sya kumakain ng strawberry cake.

"Eren..salamat dito ah!" malapad itong ngumiti habang ngumunguya. "Di bale, kapag nakuha ko na yung allowance ko kay mommy, ikaw naman ang ililibre ko nito."

"Sige ba!" sagot ko dito tsaka ko kinain ang cake na binili ko.

Who Are You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon