Krystel's POV
"Biruin mo yun bessy, kaibigan pala ng kuya mo yang si Eren!" bulong saakin ni Bianca.
"Waaah! Oo nga eh!"
Napapatili nalang ako kapag naaalala kong nakita ko sya kanina ng harapan at pinirmahan nya pa ang damit ko.
Parang nung isang araw lang, tinititigan ko sya sa screen ng cellphone ko at nag-iiyak dahil umalis na ito sa Domes-T-Quia. Pero, may dahilan pala ang lahat ng mga ito! ^^
Hindi lang ito ang huling beses na makikita ko sya.
Bwahahahahahahahaha! /insert fangirl's evil grin/
Kung siniswerte ka nga naman :D
Luhan's POV
Kanina pa ako naweweirduhan sa tingin ng kapatid ni Sehun.
Nandito kami sa isang restaurant at saktong katapat ko ito ng upuan. Naiilang ako kapag may nanunuod saaking kumain. Kapag tumitingin naman ako sakanya, malapad itong nakangiti at kakaway saakin.
"Hoy, Kestel! Tigilan mo nga yan! Natatakot na sayo si Luhan!"
"Hindi sya si Luhan! Sya si Eren Lu!" inirapan nya si Sehun at pinagpatuloy ang pagtingin nya saakin.
Napapailing nalang ako at pinagpatuloy ang pagkain.
"Saan ka ngayon magaaral Luhan?" tanong ni Darren.
"Baka sa SCU." sagot ko.
"Tamang tama doon nagaaral si Claire!" sagot ni Geraldine.
Agad naman akong napatingin kay Claire tsaka lumipat ng tingin kay Kris.
Ang sama ng tingin nito saakin. At may itim na aurang bumabalot sa katawan nya.
Umiwas nalang ako ng tingin sa dalawa.
"Aah." sagot ko nalang tsaka ako tumayo sa upuan.
"Pupunta lang ako sa restroom." tsaka ako naglakad paalis.
"Eren, sandali!" napalingon ako sa tumawag saakin.
"Oh?!" sagot ko.
Ngumiti lang ito. "Naiintindihan ko ang kalagayan mo, mahal mo pa si Ate Claire hanggang ngayon at masakit na makita silang masaya habang ikaw balik nanaman sa dating ikaw."
Napatingin ako lang kay Krystel.
"Ha?" sagot ko.
"Alam kong si Ate Claire ang mahal mo."
Napatitig lang ako sakanya.
"Alam mo Eren, naaawa ako sayo. Gusto kitang i-comfort at yakapin. At alam mo ba, yung mga tulad mo, minamahal kasi treasure ka na dapat ingatan. Gusto kong pumasok sa buhay mo Eren! At hinding-hindi kita sasaktan! Promise! Mamatay man!"
Napailing lang ako sa sinabi nya.
"Hindi pwedeng maging tayo. Bata ka pa, 3rd year highschool ka palang oh?! At ako, graduating na sa college."
"Age doesn't matter! Atsaka, isang taon ko ng pinangarap na maging boyfriend ka! At maging asawa mo. Sa tingin ko nga, destiny na to." napaiwas ito ng tingin saakin.
Natatawa nalang ako sa mga sinasabi nya.
BINABASA MO ANG
Who Are You?
Подростковая литератураIlang taon na ang nakakalipas simula ng umalis si Luhan sa bansa, maraming nagbago sa buhay nya ng dumating sya sa tsina, nakilala ito bilang isang sikat na miyembro ng Domes-T-Quia na si Eren. At sa isang iglap lang, mawawala ito ng basta-basta sa...