Chapter 9

126 30 0
                                    

Claire's POV

"Cancel daw yung concert ng Domes-T-Quia. Kaasar naman oh!" narinig kong napasigaw ang mga grupo ng mga kababaihan sa waiting shed kung saan ako naghihintay ng masasakyan.

Mag-isa ako ngayon, papauwi ako ng bahay. Kakatapos lang ng klase namin.

Kung tatanongin nyo si Kris, busy sya sa buhay nya ngayon. Kung akala nyang pa-easy easy lang ang college, dyan sya nagkamali! Dalawang araw syang wala sa klase dahil na-injury ito kakatry-out sa basketball.

Masyadong kasing mahangin ang boyfriend ko. Tss.

"Bakit ba kasi na-cancel yung concert?"

Napatingin ako sa mga babaeng nakwekwentuhan, mga schoolmate ko sila.

"Dahil daw kay Shina."

"Nakakainis talaga yung manager nila. Masyado nyang ginugulo ang lahat! Hindi sya marunong humawak ng grupo. Ginagawa nyang komplikado ang lahat. Concert! Guesting! Asar!"

Nakikinig lang ako sa mga sinasabi nila.

So, babae ang manager nila Luhan?

Napapatango nalang ako.

At hindi ko nalang namamalayan na nagkakainteres na pala akong malaman ang lahat-lahat tungkol sa Domes-T-Quia.

Sakto namang may jeep na dumaan.

Sumakay agad ako.

At pagkaupo palang, agad kong nilabas ang cellphone.

Binuksan ang wifi, may pocket wifi kasi akong dala. Tsaka sinearch ang Domes-T-Quia.

Information, Videos at Pictures.

Lahat sila tinignan at pinanuod ko.

"Hi, fan ka din ng domes-t-quia?" napatingin ako sa babaeng katabi ko.

Umiling lang ako dito at ngumiti.

Tinitigan lang ako nito at umayos ng pagkakaupo.

Napailing nalang ako at tinuloy ang panunuod.

Music Video ng Set Her Free ang pinapanuod ko ngayon.

CHINESE VERSION

"我爱你! 不要忘记这一点。

不转,请! 这样说。

我恳求您住的。

但婴儿,您选择他,离我而去。

因此,我决定将她的自由!

因为我爱她,我想看到她笑一笑。

从他"。

ENGLISH VERSION

"I Love you, please! Don't forget that.

Don't go, please! To say that.

I begged you to stay for a while.

But baby, you choose him and leave me.

So, i decided to set her free!

Because i love her, and i want to see her smile.

From him."

Napapatingin ako sa ekspresyon ng mukha ni Luhan habang kumakanta, damang dama nya ang bawat liriko.

Ewan ko ba, pero feeling ko, parang saakin yung kanta.

Napalunok ako ng dalawang beses >.<

Who Are You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon