Luhan's POV
"Ate, alam nyo po ba kung saan ang St.Michael Subdivision?"
"Pasensya na ijo, pero baguhan palang ako sa lugar na'to, wala akong kaideya-ideya sa lugar na sinasabi mo."
Napatango lang ako sa ale. "Okey lang po, salamat nalang po."
Tsaka ako naglakad palayo sa ale.
Napabugtong hininga ako.
"Hello po, alam nyo po ba kung nasaan ang St.Michael Subdivision?" lumapit ako sa babaeng may kargang bata.
Tinignan ako nito mula ulo hanggang paa tsaka tumingin saakin. "Oo, doon ako nakatira."
"Ah talaga po? Pwede nyo po bang ituro saakin kung paano pumunta doon?"
"Ah sige. Sumakay ka lang ng jeep kuya. Sabihin mo papuntang Pag-asa, bumaba ka nalang at sumakay ng tricycle sabihin mo sa St.Michael. Ibababa ka din nya dun."
Tumango lang ako sakanya.
"Maraming salamat po." sagot ko.
Ngumiti lang ito saakin at naglakad na palayo.
Agad din naman akong pumara ng jeep, pero bago yun. Nagsuot muna ako ng sumbrelo.
"Papuntang pag-asa po!" sigaw ko sa driver. Inabot ko ang bayad sa babae.
Saglit itong tumingin saakin bago inabot sa driver ang bayad.
Huminto ang jeep at may pumasok na ale, inurong ko ng kaunti ang maletang dala ko.
Namiss ko ang ganitong buhay.
Sumakay ng jeep at kumain sa tabi-tabi.
"Pag-asa! May bababa?" tanong ng driver.
Agad naman akong tumayo at bumaba ng jeep bitbit ang maleta ko.
Akala ko malayo ang pag-asa, malapit lang pala ito.
Napailing lang ako at dumiretso sa paradahan ng tricycle.
"Kuya sa St.Michael lang." sagot ko sa driver.
Agad din itong umalis. At ilang saglit lang nakarating kami sa gate ng subdivision.
Nagbayad ako agad at pumunta sa guard house.
"Ano po yun sir?" tanong ng security na nakatayo sa labas ng guard house.
"Alam nyo po ba kung saan nakatira si Miyk Xi?" tanong ko.
"Ah. Si Mr.Xi po ba? Matagal na po silang lumipat ng misis nya. Wala na po sila dito."
Natigilan ako sa saglit.
BINABASA MO ANG
Who Are You?
Teen FictionIlang taon na ang nakakalipas simula ng umalis si Luhan sa bansa, maraming nagbago sa buhay nya ng dumating sya sa tsina, nakilala ito bilang isang sikat na miyembro ng Domes-T-Quia na si Eren. At sa isang iglap lang, mawawala ito ng basta-basta sa...