Luhan's POV
"Eren, bakit ka nga pala mag-isa dito? Nasaan ang mga magulang mo? Bakit hindi mo sila kasama?"
Napahinga ako ng malalim atsaka tumingin sakanya.
Nandito kami sa dalampasigan, mahangin-hangin dito at maganda ang view.
Dito ako dinala ni Krystel at kanina pa kami nagkwekwentuhan dito.
"Nasa beijing ang mama ko, hiwalay na sila ni papa at may kanya-kanya na silang pamilya." sagot ko sakanya.
"Nasa beijing ang mama mo. Eh yung papa mo nasa beijing din?"
Agad naman akong napailing. "Nandito si papa, nawalan lang kami na komunikasyon simula ng tumira kami ng kapatid ko sa beijing." napatingin ako sa langit at napahinga ng malalim. "Awang awa ako kay papa simula ng iwan sya ni mama at sumama sa ibang lalaki. Nalulungkot ako para kay papa. Tinututok nalang nito sa trabaho ang problema, para makalimutan nya. Pero naiinis din ako sakanya kapag nadadatnan kong may uwi itong babae sa bahay. Nakikita ko nalang na umiiyak si Taeyeon, at nasasaktan ako dahil doon, dahil mahal ko ang kapatid ko."
Napatango lang ito. "Broken family pala kayo." sagot nito.
Tumango lang ako bilang sagot.
Pero hindi na iti nagsalita kaya napatingin ako sakanya.
At nakatitig na pala ito saakin. "Mas lalo kang gumwapo kapag seryoso kang nagsasalita Eren. Hihi."
Napailing nalang ako sa sinabi nito.
"Ano ba naman yan? Seryoso ako dito oh."
Natawa lang ito sa reaksyon ko. Kaya natawa na din ako.
"HAHAHAHAHAHAHAHA!"

BINABASA MO ANG
Who Are You?
Teen FictionIlang taon na ang nakakalipas simula ng umalis si Luhan sa bansa, maraming nagbago sa buhay nya ng dumating sya sa tsina, nakilala ito bilang isang sikat na miyembro ng Domes-T-Quia na si Eren. At sa isang iglap lang, mawawala ito ng basta-basta sa...