Chapter 14

131 29 0
                                    

Luhan's POV

"Yeol, nasa airport na daw sila Kezia!"

Napatingin ako kay Ram.

Alam pala ng barkada ang pagdating namin ngayon. Dapat hindi nalang muna nila sinabi, hindi ko pa sila kayang harapin.

Ilang saglit lang, lumapag na ang eroplano kaya hinanda ko na ang maleta ko.

Naghintay pa kami ng limang minuto bago kami pinababa sa eroplano.

"Sabi ko na nga ba si Eren yun eh!"

"Oh My God! Hindi ako makapaniwala."

Lumingon ako sa likod ko at may dalawang babaeng nakasunod saakin.

"Hi, Eren! Pwede mo bang pirmahan ang damit ko?"

"Tamang tama may pentel pen ako dito!" sagot ng isang babae.

"Good timing ka bessy!" tsaka inabot saakin nung babae yung pentel pen.

Agad ko din naman itong pinirmahan, tsaka kami naglakad palayo nila Chanyeol.

"Grabe ka talaga, Luhan. Sikat ka pala talaga no!" sabi ni Ram.

Tumingin lang ako sakanya at ngumiti.

Siguro hindi magiging madali para saakin ang tumira ng normal sa pilipinas.

Lalo na't maraming nakakakilala saakin.

Kailangan kong mag-disguise, o kaya, magparetoke nalang kaya ako?!

Napailing ako.

Hindi pwede!

Kailangan kong harapin ang lahat ng mga ito!

Napahinga ako ng malalim.

"RAAAAM!"

Napatingin kami sa hindi kalayuan.

Nakaabang sila Keziantel, Darren, Geraldine, Xiumin, Claire, Kai, D.O, Lay, Chen, Tao, Baekhyun, Genevieve at Sehun na nakahiwalay sa barkada.

"KUYA!!" napalingon ako sa likod ko at nakita ko yung babaeng nagpa-autograph saakin kanina at papalapit na kumaway kay Sehun.

"Krystel!" niyakap ni Sehun yung babae.

"Grabe, dalaga ka na kestel!" tsaka nito ginulo ang bangs nung babae.

Napatitig lang ako sakanilang dalawa.

"L-luhan."

Natigilan ako saglit sa kinatatayuan ko ng matinig ko ang boses na yun.

Lumunok muna ako ng laway bago tumingin sakanya ng diretso.

Agad na bumilis ang tibok ng puso ko ng yakapin nya ako ng mahigpit.

"Namiss kita luhan!" bulong nito saakin.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nung sabihin nya yun.

Magiging mahirap para saakin ang mga ito.

Lalo na't mahal ko pa sya hanggang ngayon.

Who Are You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon