Chapter 1

532 43 2
                                    

Claire's POV

"Grabe talaga yung kasikatan ngayon ng Domes-T-Quia!" paguumpisa ni Geraldine tsaka ito sumipsip ng milk tea.

Sumangayon kaming lahat sa sinabi niya, maliban lang si Kris na nakatalumbaba ngayon sa lamesa.

Nandito kami ngayong sampu sa isang cafe at saktong pinapagtugtog sa shop ang 'Set Her Free' ng Domes-T-Quia. (Claire, Kris, Geraldine, Xiumin, Suho, Keziantel, Darren, Baekhyun, Genevieve at D.O)

"Kamusta na kaya si Luhan no? At ano kayang ginagawa nya ngayon?"

Napatingin kaming lahat kay Geraldine.

"Wag mong sabihing fan ka na ng domes-t-quia?!" pangunguna ni Xiumin.

"Hindi no! Iniisip ko lang yung kasikatan nya ngayon. Grabe, ang daming nagbago sa buhay nya ngayon." sagot ni Geraldine.

*BLAG!*

Nagulat kami ng magdabog si Kris sa lamesa.

Napatingin kami sakanya.

"He's not Luhan anymore, hindi na sya yung luhan na nakilala natin. He's Eren Lu now!" tsaka ito tumayo at dumiretso ng counter.

Sinundan lang namin ito ng tingin.

Tama si Kris,

Hindi na sya yung Luhan na nakilala namin noon.

"Sinilip ko yung mga updates sa mga groups, Magcoconcert pala dito ang Domes-T-Quia!" Napatingin kami sa tatlong kakapasok palang na mga studyante, naka-uniform sila ng XOXO Academy.

"Talaga? Kailan?" Kinikilig pa yung isang babae, naka-brace ito at salamin na may suot na baller ni Luhan--este Eren pala.

"Sa last day of September." tsaka ito umupo sa katabi naming table.

"Narinig nyo yun guys? Magcoconcert daw ang Domes-T-Quia."

Napatingin kami kay D.o

"Punta tayo sa concert! Sa katapusan na yun diba?" sagot ni Darren.

"Game ako dyan!" nakataas pa ang kamay ni Suho na parang excited.

Natawa naman kami sa reaksyon niya.

Sa kabilang table, pinagtitinginan na kami ng mga tao, bukod sa marami na kami dito.

Maingay din kami at magulo.

Isa-isa kaming nagsitayuan at lumabas ng shop.

"Hey!" napalingon kami sa paparating na si Kris, Oo nga pala! Umuorder pa pala sya kanina at iniwan pa namin.

Sinamaan ako nito ng tingin. At salubong ang kilay sa iba.

Tsaka ito naunang naglakad.

Haay. May topak nanaman ang isang yun! -_-

Who Are You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon