Claire's POV
"Grabe, trending si Luhan sa twitter." napatingin ako sa pinaguusapan nila Geraldine at Keziantel.
Nakikinig lang ako sakanila.
Nandito kami sa coffee shop, as usual. Nakiki-wifi kami at heto ako ngayon, nagfafacebook.
Sabado ngayon, walang kaming klase, yung mga boys hindi namin kasama dahil nag-try out sila ng basketball sa university na pinapasukan nila ngayon.
"OMG!" napatili yung dalawa at tinignan ako.
Binigyan ko sila ng 'Ano-Ba-Yun?-Look'
Nginitian lang nila ako ng malapad tsaka tinutok saakin ang laptop.
"May isa akong blockmate na finollow ko sa twitter, fan sya ng Domes-T-Quia, Heto! Basahin mo yung tweet nya." sagot ni Keziantel.
'Waaah! May First love si Eren dito sa pinas na mahal nya pa until now?! WAT DAH? Sino sya?'
Napalunok ako sa nabasa ko.
Luhan's POV
(NOTE: Kunyare nag-chichinese sila XD)
"3 minutes! Maguumpisa na ang show! Punta nalang po sa back stage!" isa sa mga stuff ng show ang pumunta sa dressing room kung saan kami minimake-upan.
"Boys! Tapos na ba?" lumapit saamin si Manager Yu.
Tumango lang kami at tumayo na sa kanya-kanyang upuan.
"1 minute!" sigaw ng stuff.
Naghanda na ang mga host at ang ibang mga stuff.
At ilang saglit lang, nagumpisa na ang show.
"Magandang umaga sainyong lahat! Narito po tayo sa isang programa na Industriya ang pinaguusapan! Ito po ang Morning, Showbiz" rinig namin sa labas ang mga sinasabi ng host.
"Lian, balita ko may apat tayong makakasama." sagot ng isang host, mabilis na nagtilian ang mga audience.
"Balita ko nga Pia."
"So, for the Domes-T-Quians out there! hindi nanamin mapapatagal pa ito. Halina't tawaging ang grupo ng Domes-T-Quia!!!"
Bumukas ang LCD na pinto at isa-isa kaming lumabas.
Kumanta kami ng 'Set Her Free'
Ilang saglit lang umupo na kami sa upuan at nakipagkwentuhan sa mga host.
Hanggang sa hindi ko inaasahan,
May nakahandang tanong ang bawat isa saamin na kailangan naming sagotin.
"Charlie, maraming nagsasabi na hindi ka daw nakapagtapos ng pagaaral?"
Hindi nakaimik si Charlie, pero nakasagot din ito agad.
"Babaero ka daw nung highschool at basagulero. Totoo ba yun Kyle?"
"Hindi ako basagulero, maling impormasyon ang nakuha nyo." mabilis na sagot ni Kyle.
Hindi nakapagsalita ang mga host at sinunod na tanongin si Shone.
"Alam ng marami. Na isa ka sa mga pamilya ng mga sikat at kinikilalang tao sa industriya." tumango lang si Shone.
"Balibalita na nagkabuntis ka daw ng isa sa mga teen actress na hindi po pwedeng sabihin ang pangalan. Totoo ba ang balita na iyon? O gawa gawa lang para sirain ang pangalan mo."
Namutla si Shone sa tanong, alam ko ang tungkol dito.
At totoo yun!
Umiling lang si Shone. "Hindi po,totoo yun." nakita ko kung paano manginig si Shone bago nya sagotin yun.
Nakakatense yung mga sagot.
Paano nila nalaman ang mga ito?
Hindi na kami magbabalak na pumunta pa dito.
Napaka personal na ng mga tanong nila, kaya siguro ito naging sikat sa buong china. Dahil sa mga rebelasyon na napupulot nila.
Ako na ang susunod.
At wala akong ideya sa itatanong nila.
BINABASA MO ANG
Who Are You?
Teen FictionIlang taon na ang nakakalipas simula ng umalis si Luhan sa bansa, maraming nagbago sa buhay nya ng dumating sya sa tsina, nakilala ito bilang isang sikat na miyembro ng Domes-T-Quia na si Eren. At sa isang iglap lang, mawawala ito ng basta-basta sa...