Luhan's POV
"Nak, mamimiss kita." napayakap saakin si mama.
"Mamimiss ko din kayo, Ma."
Tumingin ako kay Taeyeon. "At ikaw! Magaral ka ng mabuti, at wag na wag ka munang magboboyfriend!"
Tumango lang si Taeyeon, at bumusangot, kaya ginulo ko ang buhok nito at lumapit kay Baby Ching.
"Naku, mamimiss ko ang cute na baby'ng ito." tsaka ko sya hinalikan sa ulo at tinapik si Tim sa balikat. "Bahala ka na po sakanila."
Ngumiti lang ito saakin.
"Hoy, Luhan! Ano na? Baka ma-late tayo sa flight." sigaw ni Chanyeol sa labas.
Kaya kinuha ko na ang maleta ko at lumabas ng bahay.
"Ang tagal mo grabe! Parang hindi ka na babalik dito ha." natatawang sagot ni Ram.
"Tama ka, tataposin ko ang pag-aaral ko sa pilipinas." sagot ko at nilagay sa likod ng sasakyan ang maleta at pumasok sa sasakyan ko.
Bago ko pinaandar ang sasakyan, tinignan ko muna ang kabuhuan ng bahay.
Mamimiss ko talaga to.
Claire's POV
"Claire, may naghahanap sayo!" lumapit saakin si Seah, blockmate ko sya.
"Sino daw?"
"Ewan ko eh. Pero ang gwapo nya, boyfriend mo ba yun?"
Sigurado akong si Kris yun, kaya tumango ako sakanya at lumabas ng room.
Naabutan ko sya doon na nakasandal sa pader habang naghihintay nakapamulsa.
Lumingon ito saakin at nakabusangot na tumingin saakin.
"Magusap tayo!" tsaka nya hinatak ang kamay ko.
Habang naglalakad. Binitawan nya ang kamay ko.
Kaya napatingin ako sakanya. "Kris?"
Tumingin lang ito saakin. "Claire, babalik na si Luhan."
"Oh tapos?" sagot ko.
"Naiinis ako!" nanggigil nyang sagot.
"Bakit?"
"Dahil ayokong agawin ka nanaman nya saakin. Babalik sya dito, at sigurado akong may gusto pa din sya sayo hanggang ngayon!" tsaka nya ako mahigpit na hinawakan sa braso.
Napapatingin lang ako sakanya.
"Kris.." tawag ko sakanya.
Agad naman itong tumingin saakin.
"Hindi mangyayari yun, mahal kita at alam mo yun." tsaka ko sya hinalikan sa labi.
Nagulat sya sa ginawa ko.
"C-claire, wag dito. Baka may makakita saakin!" saway ni Kris.
Kaya hinila nya ako papalabas ng university.
"Hoy, saan tayo pupunta?"
"Sa hotel."
(O_O)
Nagulat ako sa sinagot nya, kaya nasuntok ko sya sa mukha.
"Oooopss!" napangiwi ako.
BINABASA MO ANG
Who Are You?
Teen FictionIlang taon na ang nakakalipas simula ng umalis si Luhan sa bansa, maraming nagbago sa buhay nya ng dumating sya sa tsina, nakilala ito bilang isang sikat na miyembro ng Domes-T-Quia na si Eren. At sa isang iglap lang, mawawala ito ng basta-basta sa...