Luhan's POV
"KUYA!" pagkaparking ko palang ng sasakyan, nakita ko na agad si Taeyeon sa labas ng bahay.
Karga-karga nito si Baby Ching, step sister ko.
Kumaway lang ako sakanya at lumabas ng sasakyan.
Sunday ngayon, at nandito ako sa bahay ng step father ko, asawa ni mama ngayon.
Hinawakan ko si Baby Ching pagkalapit ko sakanila.
"Kuya, sabi ni Ching ang gwapo mo daw. Ngumingiti sya kuya oh!" Natutuwang sagot ni Taeyeon.
Napapangiti nalang ako kapag nakikita ko syang sumasaya,
Mahal na mahal ko ang kapatid ko, at ayoko syang umiiyak ng dahil kay papa.
Simula ng iwan namin si papa sa pilipinas, nagasawa na ito at balita ko, may anak na sila ngayon. Sana lang at hindi na ito magloko tulad ng ginawa nya kay mama noon.
"Hoy kuya! Tulala ka dyan!"
Nagising ako sa realidad at tumingin kay Taeyeon. "Oh?"
Tumawa lang ito. "Haha. Hindi ko lubos maisip na kapatid ko ang sikat na lalaki sa buong bansa. Haha."
Ako naman ang natawa ngayon. "Haha. Anong nakain mo ngayon? Ang lakas mong mangbola ha."
Bumusangot lang ito at hinila ako papasok ng bahay. "Tara na nga! At baka may makakita pa sayo eh."
"Dahan-dahan lang! Baka mahulog si Baby Ching." natatawang sagot ko.
"Oo na!" tsaka kami pumasok sa loob at naabutan namin si Tim, step father ko.
Nakaupo ito sa sofa habang nanunuod ng tv. Agad naman itong tumayo pagkakita saamin.
"Nandyan ka na pala Luhan." nakangiting sagot nito.
Tumango lang ako sakanya at dumiretso ng kusina.
Alam kong nandun si mama para ipagluto ako ng paborito kong pasta.
Pero iba ang nadatnan ko,
"C-chanyeol?"
Lumingon ito at nakangiting lumapit saakin.
"Luhan..mapapatawad kita kung susunod ka saamin sa pilipinas." inabot nya saakin ang pasta. "Peace offering ko sayo, sa ginawa ko kahapon. Sorry."
Hindi ako nakasagot.
BINABASA MO ANG
Who Are You?
Novela JuvenilIlang taon na ang nakakalipas simula ng umalis si Luhan sa bansa, maraming nagbago sa buhay nya ng dumating sya sa tsina, nakilala ito bilang isang sikat na miyembro ng Domes-T-Quia na si Eren. At sa isang iglap lang, mawawala ito ng basta-basta sa...