Chapter 3

225 32 0
                                    

Luhan's POV

Maaga akong nagising sa condo,
Maaga kasing pupunta si Manager Yu dito sa condo.

May guesting kami sa isang show para i-plug ang bago naming album.

Naligo na ako at naghanda ng susuotin.

Ilang saglit pa, narinig kong may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

Binuksan ko ng kaunti ang pinto. "Naliligo pa ako! Lalabas na din ako!" sigaw ko sa kumakatok.

"Eren, may naghahanap kasi sayo sa labas."

Napasilip ako sa labas, Naka tayo si Shone sa harap ng kwarto ko habang nakapajama at v-neck shirt.

"Sino?" yun agad ang naisagot ko.

"Chanyeol daw yung pangalan, matangkad sya Ren at may kasama syang chicks." napangisi ito at binigyan ako ng nakakalokong tingin.

"Sira ka talaga! Syota nya yun!" tsaka ako lumabas ng kwarto.

Itong si Shone talaga, pahamak! Basta-basta nalang nagbubukas ng pinto. -_-

Buti nalang at si Chanyeol at Ram ito.

Anong ginagawa nila dito?

Pagkabukas ko ng pinto.

Agad na bumungad saakin si Chanyeol, nakabusangot ito.

"Oh? Chanyeol."

Hindi ako nito pinansin.

"Kamusta na?" pagpapatuloy ko.

Imbes na sagotin, kinuwelyuhan nya lang ako.

Nagulat ako sa ginawa nya.

"Hindi kami okey!" sagot ni Chanyeol.

"Mayabang ka na nga talaga Luhan! Ay hindi ka na nga pala si Luhan ngayon diba?! Ikaw na si Eren, siguro hindi mo na kami kilala ngayon? Kasi kailanman, hindi mo naman talaga kami naging kaibigan. Wala kang nakialang EXO at mas lalong wala kang nakilalang Claire! Kasi nga iba ka na!! Nagbago ka na!! Sumikat ka lang, ang yabang mo na!" tsaka ako nito binatawan at hinila na si Ram papalayo ng condo.

Natulala ako.

Talaga bang nag-iba na ako?

'Ako pa din naman ito! Yung Luhan na nakilala nyo noon.'

Gusto ko sakanila yung sabihin.

"Ano yun?" sumilip si Shone sa labas.

"Ang angas nun ah! Upakan ko ba?!" dugtong nito.

Hindi nalang ako umimik at pumasok na ng condo.

Hindi ko alam ang gagawin ko.

Natamaan ako sa sinabi ni Chanyeol.

Ginagawa ko lang naman ito para makalimutan sya.

Hangga't naaalala ko ang lahat, nasasaktan ako ng sobra.

Nakakatawa mang isipin, pero..

Mahal ko pa din sya kahit lumipas na ang mga taon.

Who Are You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon