Chapter 34

77 29 0
                                        

Luhan's POV

"Kris."

Napalingon saakin si Kris. Nakasandal ito sa pader ng comfort room habang nakapamulsa.

Hindi ako nito sinagot.

"Alam mo bang sa loob ng ilang taong paninirahan ko sa beijing, si Claire pa din ang iniisip ko. Hanggang ngayon!"

Doon na sya nagsalita. "Mahal mo pa sya? Edi iyo na. Wala na akong pakielam sakanya."

Napakuyom ang mga palad ko sa sinabi nya. Doon ko na sya sinapak sa mukha.

"Ang tanga-tanga mo para pakawalan pa si Claire!"

Ngayon, si Kris naman ang sumuntok saakin. "Wala kang alam, kaya wag mo kong pangunahan. Balikan mo sya kung gusto mo. Isaksak mo pa dyan sa baga mo!" tsaka ito tumayo at lumabas ng comfort room.

Sinundan ko ito ng tingin. At nakita ko sila Claire na nanunuod saakin. Nakita ko itong umiiyak.

Tumayo ako sa pagkakahiga at lumapit sakanya.

Tsaka ko sya yinakap.

Kris POV

Napasuntok ako sa poste.

Gusto kong sumigaw at mag-wala.

Bakit ko ba nasabi yun? Ugh!

Hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

Malabo na kami nitong magkabalikan sa ginagawa kong ito.

Hindi ko na nga iniinda ang sakit, tumutulo na ang dugo sa kamao ko.

Pero hindi pa din ito matutumbasan ng sakit na nararamdaman ko dito sa puso ko.

Ayakong mawala si Claire sa buhay ko.

Bwiset kading babae yun, kung hindi nya ako hinila at dinala sa bwiset na tindahan ba yun. Hindi sana kami makikita ni Claire nun.

Kapag nakikita ko talaga yung babaeng yun. Gusto ko na talaga suntokin yun sa mukha. Pero kinokontrol ko lang ang sarili ko kasi ayokong makasakit ng tao.

Mas lalo akong nanghihina kapag naaalala kong nakikita ko syang umiiyak.

Ugh! Ano ba kading kabaliwan tong ginagawa ko.

Gusto kong humingi ng tawad kay Claire.

Pero hindi ko kaya.

Kailanman, hindi pa ako humihingi ng tawad sa kahit na sino.

Kahit na sa pamilya ko man o mga kaibigan ko.

Kaya ngayon, hirap na hirap ako sa sitwasyon ko.

Bwiset na buhay to!

Who Are You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon