Chapter 23

100 26 0
                                        

Luhan's POV

"Maraming salamat darren at pinatuloy mo ako dito kagabi."

"Ano ka ba! Walang problema yun. Good luck nalang bukas. At sana makita mo na ang papa mo."

Ngumiti lang ako sakanya. "Salamat!" tsaka ko hinila ang maleta palabas ng bahay nila Darren.

Naabutan ko naman si Keziantel na papasok ng bahay.

Kumaway ito saakin. "Luhan!"

"Aalis ka na?" dugtong nito.

Tumango lang ako kay Kezia. "Oo eh. Nakahanap na ako ng condo."

"Ah ganun ba? Sige, ingat ka nalang Luhan."

Ngumiti lang din ako sakanya at naglakad na palayo.

Nilagay ko na sa likod ng kotse ang maleta at umalis.

Kakabili ko lang ng bagong kotse. Yung kotse ko sa beijing binigay ko nalang kay Taeyeon.

Bumili na din ako ng number. At mangilang-ngilang damit, sapatos at uniporme sa S.C.U.

Nakarating ako ng condo ng 6:39 pm. Agad akong humiga sa kama at umiglip saglit.

Napagod ako ng sobra.

Nagising ako ng 7:05. Bumangon na din ako at lumabas ng condo.

Mamimili muna ako ng kakainin ko.

Krystel's POV

Nandito ako ngayon sa 7eleven. Kumakain ng cup noodles.

Gutom na kasi ako, at wala pa si Kuya hanggang ngayon.

Kanina pa ako nakatambay dito at lumalamig na nga ang noodles ko.

Hindi kasi ako makapag-concentrate sa kinakain ko, Si Eren kasi pumapasok sa utak ko.

Waaaaaaaaaah~

Namimiss ko sya. Kahit na nagtatampo ako sakanya.

Napalingon ako ng may pumasok na costumer.

Medyo nanlaki ang mata ko ng makita ko si Eren *Q*

Good timing!

Gusto ko syang makita eh! ^u^V

Luhan's POV

"Ano kayang pwedeng makain?" nandito ako sa 7eleven at namimili ng makakain.

Nang makapili, agad akong dumiretso ng counter.

"P33.75 po sir."

Kumuha ako ng 1 thousand sa wallet. Naubos ang barya ko sa kakacommute.

Habang naghihintay ng sukli.

Nadako ang tingin ko sa babaeng nakaupo sa isang table.

Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Krystel.

Nakatingin din ito saakin.

"Sir. Ito na po yung sukli." agad kong inabot ang pera at lumapit sakanya.

Kailangan kong humingi ng tawad sakanya.

Who Are You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon