Chapter 17

126 28 0
                                        

Luhan's POV

"Oh? Saan kayo nagpunta?" salubong saamin ni Sehun.

"Wala ka na dun kuya!" sagot ni Krystel.

"Aba't!" sagot ni Sehun.

"Pumunta lang kami sa labas. Nagikot-ikot." sagot ko kay Sehun.

"Ah." sagot nito.

"Tara na. Uwi na tayo."

"Tara na nga!" sagot naman ni Xiumin tsaka sila lumabas ng restaurant.

Ngayon, papaalis na kami ng restaurant ng may kumatok sa bintana ng sasakyan.

"Sandali!" sagot ng tatlong babae.

Napatingin kami sakanila. Agad naman silang nagtilian pagkakita saakin.

"Eren! Ereennn!"

"D-darren, wag mong bubuksan ang sasakyan!" sigaw ko kay Darren.

Tumango lang ito.

"Paandarin mo na yung sasakyan." sagot naman ni Kris, kaya wala ng nagawa pa si Darren kung hindi ang paandarin nalang ito.

Habang nasa byahe. Naramdaman kong may kumakalabit sa likod ko, kaya napalingon ako.

"Bakit?" tanong ko kay Krystel.

"Pahinge ng number mo." nakapout pa ito sumagot.

"Wala pa akong number dito sa pilipinas." sagot ko.

Agad naman itong kumuha ng papel at ballpen sa bag nya at nagsulat saglit.

"Ito! Tawagan mo ko or kaya i-text mo nalang ako kapag may number ka na ha. Pero mas maganda kung tatawagan mo ko." tsaka ito malapad na ngumiti.

"Hoy! Ikaw! Wag mo ngang kulitin tong si Luhan." singit ni Sehun.

Inirapan nya lang si Sehun at hindi na nagsalita pa.

"Luhan, saan ka ba uuwi?" tanong ni Darren.

"Kahit dyan lang sa makati. Hahanapin ko nalang kung saan ang bahay ni papa."

"Sira ka talaga Luhan! Mag-isa kang maglalakad dyan sa lungsod ng makati. Baka may makakilala sayo." sagot ni Keziantel.

"Magsusumbrelo naman ako Kezia. Tsaka kaya ko na ang sarili ko. Kailangan ko ng sanayin ang sarili ko, lalo na't makikita din naman nila ako." sagot ko.

"Bahala ka." sagot ni Kezia.

Claire's POV

"Kris."

"Oh?" sagot nito.

"Kanina ka pa tahimik dyan. May problema ba?"

Tinignan lang ako nito. "May nararamdaman ka ba kay Luhan?"

Napanganga ako sa sinabi nya. "Huh? B-bakit mo naman na tanong yan?"

"Wala lang. Gusto ko lang klaruhin. Alam mo kasi, Claire. Mapapalapit nanaman kayo ni Luhan sa isa't-isa, lalo na't parehas kayo ng university na papasukan. At alam mo ba kung anong posibleng maramdaman ko ha? At sa tingin ko, magkakaproblema tayo dun." tsaka ito nakapamulsang umalis sa labas ng bahay namin.

Sinundan ko lang ito ng tingin.

Who Are You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon