Chapter 11

133 29 0
                                        

Luhan's POV

"Eren, saan ka galing? Bakit ngayon ka lang nakauwi? May guesting pa tayo sa noontime show." salubong saakin ni Manager Yu pagkaparada ko palang ng sasakyan sa garahe.

Lumabas ako ng sasakyan dala ang paper bag, pabaon saakin ni mama para makakain daw sila Charlie ng luto nyang pasta.

Nakapamewang si Manager at tinanong ulit kung saan ako galing.

Dapat kasi uuwi na kami sa condo kapag gabi na dahil maaga ang trabaho namin tuwing monday dahil magrerecording pa kami mamayang hapon pagkatapos ng guesting.

Dahil umaga na akong nakauwi at naunahan pa ako ni Manager na pumunta dito, nasermonan ako.

Sinabi ko sakanya na uminom ako.

At tulad ng iniexpect ko, nagalit ito saakin.

"My god Eren! Paano kung may nakakita sayo dun? Baka siraan ka pa at mawala ang career mo ng dahil lang dun! Maraming diskarte ang mga tao, lalo na ang tulad mo, sikat ka, at gagawin nila ang lahat masira ka lang sa mga mata ng mga fans. Ingatan mo ang career mo Eren. Yan ang lagi mong tatandaan."

Hindi ako umimik.

Gusto ko sakanyang sabihin ang desisyon ko,

Gusto ko sabihing aalis na ako sa banda.

At titira sa totong pinagmulan ko.

At makasama ang mga kaibigan ko.

Magaaral na din ako.

At mabubuhay ng normal bilang Luhan at hindi na sa katauhan ni Eren Lu.

Napahinga ako ng malalim.

"Manager, pwede ba tayong magusap?"

"Sige, sabihin mo na!"

"A-alam mo kasi Manager, masaya ako sa buhay ko ngayon. Pero iba parin talaga kapag kasama mo ang mga kaibigan mo, at mabuhay ng normal, hindi yung bawat galaw mo may nakaabang na camera--"

"Anong ibig mong sabihin, Eren?" takang tanong ni Manager.

"Aalis na ako sa banda at titira na ako sa pilipinas."

Nagulat si Manager Yu.

Hindi ako makatingin sakanya, nahihiya ako sakanya.

Malaki ang utang na loob ko sakanya dahil sa katayuan ko ngayon.

Pero, nakapagdesisyon na ako.

Who Are You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon