Chapter 8

132 33 3
                                    

Luhan's POV

Huminga ako ng malalim at tumingin kay Chanyeol. Mata sa mata.

"Anong bang ginawa ko para magalit ka saakin ng ganyan?"

"Hindi ako galit sayo. Nagtatampo, Oo! Pero si Kris, Malaking malaki ang galit nya sayo."

"B-bakit?" utal na sagot ko sakanya.

Sya naman ang huminga ngayon ng malalim. "Simula ng umalis ka sa pilipinas, walang nakakaalam ang isa man sa barkada ang tungkol sa pagalis m--"

"Alam ni Claire." agad na sagot ko.

Napailing lang ito. "Ayon nga ang problema, may oras kang magpaalam kay Claire. Sa iba mong kaibigan, wala? Ganun ba yun?! Ganun ba kami kababaw sayo? Ha? Alam mo namang apat na taon na tayong magkakaibigan, at iiwan mo lang yun ng basta basta para sa babaeng maiksing panahon mo lang nakilala!"

Hindi ako makasagot.

Umiwas lang ako ng tingin dito.

"Kaya nga, pumunta kami ni Ram dito sa beijing, para yayaain kang sumama saamin sa pilipinas. Gusto kong humingi ka ng paumanhin sa barkada." pagpapatuloy nito.

Umiling lang ako. "Hindi pwede yun! May trabaho ako."

"Mas importante pa ba sayo ang kasikatan na nakukuha mo ngayon kesa sa mga kaibigan mo na laging nandyan para sayo, sa kalokohan man, sa problema man o kahit sa pagibig pa yan. Damayan kung damayan. Yan ang tunay na magkakaibigan."

Napapatingin nalang ako kay Chanyeol.

Ang laki ng pagkakaiba nya ngayon.

Hindi na sya yung tulad ng dati na tahimik, masungit at may sariling mundo.

Pero napaisip ako sa sinabi nya.

Ang hirap ng sitwasyon ko ngayon.

Masyado na akong naguguluhan.

Hindi ko alam ang isasagot ko.

Mahal ko ang buhay ko ngayon,

Pero mahalaga saakin ang mga kaibigan ko.

Matagal ko na silang hindi nakikita.

Napalunok nalang ako ng laway.

Kailangan kong pag-isipan ang mga ito.

Dahil sa maling desisyon, maraming posibleng magbago.

***

Vomment naman kayo dyan. Next chapter, susunod na!

Who Are You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon