Luhan's POV
"Nakausap namin ang isa sa mga naging kaibigan mo."
Napatingin lang ako sa host at napalunok ng laway.
Hindi ako maka-hinga.
Sigurado akong si Chanyeol yun.
"At sinabi nitong may first love ka daw sa pilipinas. Mahal mo pa kaya ang babaeng ito hanggang ngayon?"
Natuyo ang laway ko sa narinig ko.
Sa dami ng pwedeng itanong, bakit ito pa?!
Hindi ako nakasagot.
Tumingin ako sa mga taong nanunuod ngayon, lahat sila nakaabang sa isasagot ko.
Huminga ako ng malalim. "Oo!"
Yun agad ang naisagot ko.
Tumango lang ang mga host at nagpalakpakan naman ang mga audience.
"Salamat Charlie, Kyle, Shone at Eren at pumunta kayo dito. May concert, show ba kayo this weekend?"
Kinuha ni Charlie ang mic. "Wala kaming concert, pero nais lang po sana naming i-plug ang album naming 'Set Her Free' Available na po sya buong music store or you can download this on itunes. Subscribe nalang po kayo sa youtube channel namin for more music videos, and like our fan page. Makikita nyo po sa screen ang page at yun nga po, don't forget to like and share na din. Salamat, specially sa mga Domes-T-Quians dyan!!!!!!!"
Naghiyawan ang mga tao.
Bumaba na din kami ng stage at dumuretso ng backstage.
Nakasalubong namin si Manager Yu na naka-pamewang.
"My god boys! Hindi ko alam na kasali kayo sa pamatay na tanong ng show na to!"
Umiling lang si Shone. "Okey lang yun, Manager. Nangyari na eh." tsaka kami dumiretso ng car park.
Habang nasa byahe.
Iniisip ko parin ang sinagot ko,
Posibleng mapanuod to ni Claire.
At ayoko ng ideya na iyon.
Nangako ako sakanyang kakalimutan ko na sya.
But still, umabot na ng tatlong taon, hindi ko pa din sya makalimutan.
"Eren, wag mo ng isipin yun. Hinding hindi na tayo pupunta sa show na yun!"
Natawa ako sa sinabi ni Manager.
Ginulo ko lang ang buhok nito at sumandal na ulit ng upo.
Matutulog na muna ako.
BINABASA MO ANG
Who Are You?
Teen FictionIlang taon na ang nakakalipas simula ng umalis si Luhan sa bansa, maraming nagbago sa buhay nya ng dumating sya sa tsina, nakilala ito bilang isang sikat na miyembro ng Domes-T-Quia na si Eren. At sa isang iglap lang, mawawala ito ng basta-basta sa...