Chapter 35

86 29 1
                                        

Luhan's POV

"Claire, pasensya na sa nangyari."

"O-okey lang yun. Pero masakit, nasaktan ako sa narinig ko. Sa bibig nya na mismo nanggaling na wala syang p-pakialam saakin."

Napatingin ako sakanya. "Ano bang pinagsasabi mo? Hindi totoo ang mga yun! Alam kong pati mismo sya nagulat sa mga pinagsasabi nya. Magtiwala ka saakin, hindi ka nya lolokohin. Sa tagal ng pagkakaibigan namin ni Kris, hindi kasama sa bokubularyo nya ang manloko ng babae."

"P-pero--"

"Wala ng pero-pero! Wag mo nalang yung pansinin. Magkakaayos din kayo."

Hindi na nga umimik si Claire habang ako nagmamaneho ng sasakyan.

Claire's POV

Habang nasa byahe. Napatingin kami ni Luhan sa screen ng cellphone nya. Nag-pop kasi ito.

Nakita kong si Krystel ang ringtone nito. Stolen ang kuha at halatang nasa bakeshop ito.

Napatingin ako kay Luhan na patuloy pa din sa pagmamaneho.

Siguro, masaya na sya at nakatagpo din sya ng babaeng mamahalin sya at mamahalin din nya.

Umpisa palang ito, pero ang saya nila.

Ganun naman talaga pag-kinikilaka nyo palang ang isa't-isa.

Pero, kapag dumating na kayo pareho sa isang relasyon, doon na lalabas ang mga problema. Nandun ang selos, tampuhan at kung ano-ano pa. Na minsan, nakakalala sa pagsasama nyong dalawa.

Tsk. Siguro, kasalanan ko din naman ang mga nangyayari ngayon.

Hindi ako naniwala kay Kris, kaya dumating sa point na nagkaganito kami.

Kasalanan ko ba kung ganun lang talaga ako ka-paranoid. Kasi mahal ko sya.

Minahal ko talaga sya.

Krystel's POV

"Teka, kotse yun ni Eren ah!" sinundan ko ang kotse at huminto ito sa isang bahay, lumabas si Ate Claire sa kotse, sumunod na lumabas naman si Eren. Bago umalis si Eren, niyakap nya muna si Ate Claire bago pumasok ng kotse at umalis.

Naiwan naman akong nakatayo sa hindi kalayuan habang papasok na ng bahay si Ate Claire.

Teka, anong ibig sabihin ng nakita ko?

Bakit niyakap ni Eren si Ate Claire?!

Who Are You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon