Luhan's POV
"Papasok ka na pala bukas, anong course mo?"
"Luhan? Hoy!"
"H-huh?"
Hindi ko namamalayan, nakatulala na pala ako.
Tsk! Bakit ba ako nanginginig?
Bumibilis din ang tibok ng puso ko at hindi ako makatingin sakanya ng diretso.
Hindi naman ako ganito noon.
"Ang sabi ko, kung anong course mo?" natatawang sagot nito.
Napatango lang ako. "Ah. HRM ako. I-ikaw?"
"HRM din ako. Haha biruin mo yun?"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.
"ANO?!" sigaw ng utak ko.
Napalunok ako ng laway.
Hindi maganda to!!
"Nga pala, saan ka pupunta?"
"Ah-eh, maghahanap pa ako ng condo na lilipatan."
Napatango lang ito. "Gusto mo, samahan kita?"
Agad akong napailing. "Naku, wag na! Kaya ko ng mag-isa."
"Sigurado ka?"
Tumango lang ako.
"Oh, sige. Bye!" tsaka ito naglakad palayo saakin.
Ilang saglit lang, pumara na din ako ng jeep.
Pagkapasok ko, may nakita akong tatlong babaeng naka-fandom shirt ng Domes-T-Quia.
Nanlaki ang mata ko.
Umupo ako malayo sakanila, naramdaman kong napatingin ito saakin.
Doon na sila nagbulong-bulongan.
"Hawig nya si Eren."
"Oo nga eh, Eren Ph!"
"Picturan mo dali!"
"Heto na nga o!"
Kinabahan naman ako bigla.
Anong ginagawa nila?! O.O
Kris POV
"Kris!" napalingon ako sa tumawag saakin.
Salubong ang kilay kong tumingin sakanya.
"Tsk! Anong mukha yan? Pambihira!" natatawang sagot ni Yna. Blockmate ko.
"Anong kailangan mo?" tanong ko.
"Wala lang! Pupunta kasi ako sa bagong coffee shop dyan malapit sa university, wala akong kasama eh."
Kumunot ang noo ko. "Tapos?"
"Pwede mo ba akong samahan, Kris?"
"Ayoko. Uu--" nagulat nalang ako ng hilahin ako nito palabas ng university.
Wala na akong magagawa -.-
Claire's POV
Naglalakad ako ngayon papuntang university nila Kris.
Wala naman akong gagawin ngayon, kaya pupuntahan ko nalang sya.
Hindi pa naman siguro nakakauwi yun.
Pero hindi pa nga ako nakakaapak sa harap ng university nya.
Nakita ko syang may kasamang babae.
Hila-hila sya nito at papunta sila sa kakabukas lang na coffee shop.
Tinitigan ko silang pumasok sa loob.
At nakakaramdam ako ng inis.
Gusto ko silang sugurin.
Pero, ayoko ng gulo.
Mahaba-habang paliwanag to! KRIS FAN!!!
BINABASA MO ANG
Who Are You?
Novela JuvenilIlang taon na ang nakakalipas simula ng umalis si Luhan sa bansa, maraming nagbago sa buhay nya ng dumating sya sa tsina, nakilala ito bilang isang sikat na miyembro ng Domes-T-Quia na si Eren. At sa isang iglap lang, mawawala ito ng basta-basta sa...