Luhan's POV
9:30 na ng makarating ako sa condo. Gutom na din ako kaya kumain muna ako saglit at inayos ang mga damit ko sa maliit na closet.
Habang nililipat ang mga damit ko. Napahinto ako saglit at kinuha ang isang maliit na papel na nakasiksik sa maleta.
Binuklat ko ito at binasa.
'Dear Luhan,
Kamusta ka na dyan sa pilipinas? Siguro masaya ka na. Makakalaya ka na Luhan, hindi ka na magiging si Eren kahit kailan. Kung gusto mo pang bumalik sa grupo. Bukas ang pinto para sayo. Hindi magiging madali ang paninirahan mo dyan, kaya magingat ka ha! Soon, magkikita-kita din tayo! At hihintayin namin yun. Mamimiss ka ng Domes-T-Quia!
-Shina Yu'
Napapangiti nalang ako sa sulat ni Manager.
Mamimiss ko din sila.
Napahiga ako sa kama at napatitig sa kisame.
Bukas na ako papasok sa S.C.U
Ano kayang mangyayari bukas?
Kinakabahan ako.
Krystel's POV
"Kuya! Saan ka ba pumunta? Ang tagal mong umuwi!"
Imbes na sagotin, nginitian lang ako nito ng malapad.
Anong nangyari sa Kuya ko?
Goodvibes na goodvibes!
Mukhang inlababo ang isang to!
"H-hoy! Nakakatakot ka kuya!"
"Bakit?" sagot nito.
"Yung ngiti mo. Nakakatakot! Ano bang nangyari sayo? Ha?!"
"Wala ka na dun!" sagot nito kasabay ng pag-gulo ng buhok ko.
Argh! Ayos ba sya?
2 years ko lang syang hindi nakita, at ngayon ko lang sya nakitang ngumiti ng ganun.
Mukhang tama nga ang iniisip ko.
Tinamaan na si Kuya!
At sino naman yung babae? Aber? :O
Sehun's POV
Pasakay na sana ako ng taxi. Nang makita ko si Ram na naglalakad mag-isa sa daan.
"Ayy, sorry manong. May naiwan lang ako!" tsaka ko sinarado ang pinto ng taxi.
Agad naman akong lumapit sakanya.
"Uy!" panimula ko.
Nagulat sya sa pagdating ko.
"Oh, ikaw pala!" sagot nito.
"Saan ka pupunta?" tanong nya.
"Eh ikaw? Saan ka ba pupunta? Mukhang nagmamadali ka."
"Oo nga eh! Papunta dapat ako sa bakery. Naflatan kasi ako ng gulong kaya huminto muna ako sa volcanizing shop. Kaya heto ako ngayon at naglalakad papuntang bakery, magsisirado na kasi yun ng 5:00. Eh 3 minutes nalang at malayo-layo pa yun."
Napatango nalang ako sa sinabi nya.
Sumunod lang ako sakanya. Kaya napahinto ito at lumingon saakin.
Nagulat ako sa sumunod na nangyari.
Naglapat ang aming mga labi
BINABASA MO ANG
Who Are You?
Teen FictionIlang taon na ang nakakalipas simula ng umalis si Luhan sa bansa, maraming nagbago sa buhay nya ng dumating sya sa tsina, nakilala ito bilang isang sikat na miyembro ng Domes-T-Quia na si Eren. At sa isang iglap lang, mawawala ito ng basta-basta sa...