Luhan's POV
Papasok na ako ng S.C.U
Napapabugtong hininga nalang ako.
Medyo kinakabahan ako sa unang araw ko.
Pero masasanay din ako.
Ngayon, papalabas na ako ng sasakyan.
Maraming studyante sa paligid.
Napahinga ako ng malalim.
Kaya ko to!
Tulad ng ibang mga studyante, naglakad ako sa field ng university.
May mga napapatingin saakin. Pero kahit niisa sakanila, hindi ko nilingon.
Maliban kay Claire.
"Luhan!"
Napahinto ako sa paglalakad at lumingon sakanya. Nagulat ako ng may mga kasama itong mga babae.
Nagulat ang dalawa sa mga kasamahan nya. "Eren Lu?!" yun agad ang nasabi nila.
Ngumiti lang ako sakanila at kumaway.
Tumili naman sila at lumapit saakin. "Omg! Nakita na din kita sa malapitan, Eren."
"Ang bango nya. Haha."
"Hoy, tumigil nga kayo dyan! Natatakot na sainyo si Luhan."
"Marunong ba syang magtagalog best? Hihi." tanong ng kaibigan ni Claire.
"Oo naman. Dito sya lumaki kaya marunong syang magtagalog."
"Waaah~ hindi mo naman sinabi na kaibigan mo pala tong sikat na miyembro ng domes-t-quiaa."
Napailing nalang si Claire. "Tara na nga. Malelate pa tayo. Nito eh
"
"Teka, dito ba mag-aaral si Eren?"
Tumango lang ako bilang sagot.
Napatili ang apat na kaibigan ni Claire kaya napatingin ang iba saamin.
"EREN!" sigaw ng babae sa hindi kalayuan.
"Patay!"
Paisa-isa lumapit saakin. Kaya nagpanik na ako.
Anong gagawin ko?
Sa sobrang taranta.
Napatakbo ako papalabas ng university.
Narinig ko pang tinatawag ako ni Claire pero tuloy pa din ako sa paglalakad.
Hanggang sa makapunta ako sa isang bakery shop.
Nagpahinga muna ako saglit at maglalakad na sana pero may lumpit nanaman saaking babae.
"Eren!!"
Kaya napatakbo ako ulit.
Mukhang umpisa palang ito, pero suko na talaga ako.
BINABASA MO ANG
Who Are You?
Teen FictionIlang taon na ang nakakalipas simula ng umalis si Luhan sa bansa, maraming nagbago sa buhay nya ng dumating sya sa tsina, nakilala ito bilang isang sikat na miyembro ng Domes-T-Quia na si Eren. At sa isang iglap lang, mawawala ito ng basta-basta sa...
