Shina's POV
"Manager! Tignan mo oh, tinag ako ng isang fan sa instagram!" sabi ni Shone.
"Ano naman yun?" walang kagana-ganang sagot ko.
"Picture to ni Eren sa pilipinas." sagot nya.
Tinignan ko yung picture. Naka-school uniform si Eren habang naglalakad mag-isa.
Naka-caption dun sa post ang 'SABI KO NA NGA BA, SI EREN TONG NAKITA KO EH.'
"Siguro, ginugulo na sya doon. At hindi maganda yun." sagot ni Charlie.
Napatango lang ako sa sinabi ni Charlie.
Luhan's POV
"Luhan, kanina ka pa tulala dyan."
"Luhan?"
"Huh?" napatingin ako kay Darren.
"Kanina ka pa wala sa sarili. Wag mo munang isipin yang mga taong umaaligid sayo. Kaming bahala sayo! Diba guys?"
Tumango lang sila Xiumin, Sehun, Chanyeol, D.O, Suho at Kai.
Nandito kami sa bahay sa coffee shop na palagi nilang pinagtatambayan.
Wala ang mga girls, may lakad din ata sila.
"Nga pala, nasabihan nyo ba si Kris na pumunta dito?" tanong ni Darren.
"Ayaw nga sagotin yung tawag ko. Tinadtad ko pa nga ng text pero hindi pa din nagrereply." sagot ni Chanyeol.
"Sa pagkakaalam ko, may problema sila ni Claire. Yun ang sabi saakin ni Geraldine." sagot ni Xiumin.
Problema? Saan naman?
Claire's POV
"Saan tayo pupunta ngayon?"
"Kahit saan."
"Punta tayo sakanila Darren."
"Tara!"
Napatigil ako sa paglalakad kaya napatingin sila saakin.
"Bakit ka huminto Claire?" tanong ni Ram.
"Ayokong sumama." sagot ko.
"Saan? Sakanila Darren? Sa coffee shop sila. Diba gusto mo dun?" sagot ni Keziantel.
Umiling ako. "Ayoko dun. Sa iba nalang!"
"Ha? Bakit?!"
"Kasi nandun si Kris! At ayoko syang makita!"
"Sus! Hanggang ngayon ba naman hindi parin kayo nagkakaayos? Pahabaan ba to ng pride ng Claire? Sa ginagawa nyong yan baka dumating kayo sa point na--"
"Mag-break." sagot ko.
"Exactly! Buti alam mo." sagot ni Geraldine.
"Eh break na kami." yun lang ang nasagot ko.
"WEH?!"
Tumango lang ako sakanila.

BINABASA MO ANG
Who Are You?
Novela JuvenilIlang taon na ang nakakalipas simula ng umalis si Luhan sa bansa, maraming nagbago sa buhay nya ng dumating sya sa tsina, nakilala ito bilang isang sikat na miyembro ng Domes-T-Quia na si Eren. At sa isang iglap lang, mawawala ito ng basta-basta sa...