Chapter 28

89 29 1
                                        

Luhan's POV

*ring ring*

Nagising ako sa tunog ng alarm.

Napatingin ako sa wall clock. 7:29 na. 8:00 ang klase ko, kaya bumangon na ako sa kama at naligo.

Ilang minuto din akong nasa loob ng banyo at ramdam ko ang kaba.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Parang hindi ko yata kaya na makita sya buong araw. Baka mas lalo lang akong mahulog sakanya. Gusto ko syang iwasan, pero mas pinaglalapit kami ng tadhana. Haay." napabugtong hininga pa ako nago lumabas ng banyo.

Ngayon, nakasuot na ako ng uniporme at bitbit ang maliit kong bag.

Nakahanda na ang lahat.

Pero may naalala ako.

Kaya agad kong kinuha ang cellphone at hinanap ang kapirasong papel na binigay saakin ni Krystel. Doon nakalagay ang number nya.

Nang mahanap, dinial ko agad ang number nito at tinawagan.

Tatlong beses itong nagring bago sinagot.

"Hello?" sagot nya sa kabilang linya.

"Goodmorning, Krystel. Si Luhan to!"

"H-huh? Luhan ba kamo--EREN?!"

Natawa ako sa reaksyon nya.

"Oo." sagot ko.

Narinig ko itong tumili at nagsisisigaw sa kabilang linya.

"OMO! TINAWAGAN NYA DIN AKO SA WAKASSS!!"

"O-okey ka lang dyan?"

"Oo, masaya lang ako at tinawagan mo ako Eren."

Napangiti naman ako. "Gusto lang sana kitang i-good luck. First day mo sa school dahil hindi ka umattend kahapon. At sana naman, pumasok ka na ha. Baka puntahan mo nanaman ako sakanila Darren, wala na ako dun."

"Nasaan ka na?!"

"Secret. Hindi ko sasabihin. Baka pumunta ka dito at hindi ka nanaman pumasok sa school."

"Hmm. Ang daya! Gusto lang naman kitang makita eh."

"Oo nga pero--"

Naputol ang tawag. Pinatay ko na ito dahil hindi ko namamalayang 10 minutes nalang bago mag-8:₩₩00

Dali-dali akong lumabas ng condo at sumakay ng kotse.

First day. Late pa!

Sa tingin ko, senyas na ito na hindi maganda ang araw ko ngayon.

Who Are You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon