Luhan's POV
"Hi."
"Nandyan ka pala." sagot ko, pagkalapit ko sakanya.
"Anong ginagawa mo dito?"
Pinakita ko sakanya ang cup noodles na nasa plastick. "Bumibili ako ng makakain."
"Seryoso? Yan?!" gulat na tanong nito.
Napatingin naman ako sa kinakain nyang cup noodles din. "Speaking. Ikaw din naman oh!" tinuro ko pa sakanya ang cup noodles na kinakain nya ngayon.
"Ah. Heto ba? Hehe." natatawang sagot nito.
Umupo ako sa tabi nya. "Dito nalang din ako kakain." sagot ko.
"Eh? Sigurado ka?"
Tumango lang ako sakanya at binuksan ang cup noodles tsaka nilagyan ng mainit na tubig.
"Sir, may bayad po yung tubig."
Napatingin ako sa cashier lady. "Ah sige." sagot ko dito at tumayo para magbayad.
Pagkabalik ko sa lamesa, nakatalumbaba itong tumingin saakin.
"Anong problema?" tanong ko.
"Alam mo kasi. Namromroblema ako kung makakaya ko bang makumbinsi itong utak ko at ipaalala na hindi ka isang sikat na tao at kahit kailan, never akong nabaliw sayo. Pero mahirap pala no? Sobrang hirap! Nahuhulog na nga yung mga martilyo sa utak ko. At nag-eerror na ang lahat sa utak ko oh."
Natawa naman ako sa sinabi nya.
"Anong nakakatawa dun? Aber."
Natigilan ako sa pagtawa at tumingin sakanya.
Seryoso itong nakatingin saakin.
"Alam mo kasi, ang saya mong kasama. Natutuwa lang ako at nakasama ko ang taga-hanga ko."
Sya naman ang napangiti ngayon. "Masaya din ako at nakita kita Eren--este Luhan pala." napaiwas ito ng tingin saakin.
"Krystel, Sorry nga pala. Sorry kung nasaktan kita kanina, hindi ko sinasadya. Hindi ko alam na masasaktan kita sa mga sinabi ko. Okey lang saakin kung anong pagkakakilala mo saakin. Kung tawagin mo man akong E-eren o Luhan, walang problema."
Napatitig lang ito saakin. Hindi ito nagsalita.
Paunti-unti, palapad ng palapad itong ngumiti. Sobrang lapad.
Tsaka ito tumayo at hinila ako palabas ng tindahan.
Napatingin pa ako sa noodles.
What the? Hindi ko pa sya nakakain oh!

BINABASA MO ANG
Who Are You?
Teen FictionIlang taon na ang nakakalipas simula ng umalis si Luhan sa bansa, maraming nagbago sa buhay nya ng dumating sya sa tsina, nakilala ito bilang isang sikat na miyembro ng Domes-T-Quia na si Eren. At sa isang iglap lang, mawawala ito ng basta-basta sa...