Chapter 33 [Bittersweet]

1.4K 25 0
                                    

Chapter 33



[Bittersweet]



Shey's POV



Papasok na ako noong nakita ko siya sa may front door. Oo, siya. Siya na nagbabala sa akin pero binalewala ko lang. Siya yung taong may pakielam sa nararamdaman ko pero nagbingi-bingihan ako sa mga sinabi niya. Siguro kaya siya ngayon nandito ay para tawanan ako dahil ito ang napala ko. 


Mas pinaniwalaan ko kasi ang nakikita at alam ko. Totoo na nagkamali ako noon na hindi man lang ako nakinig sa mga sinabi niya. Kaya ngayon, eto ako. Nasasaktan at galit. Kung sesermonan niya ako baka maibuhos ko pa sa kanya ang galit ko kaya nilagpasan ko na lang siya pero nahawakan niya ako sa wrist ko at yinakap ako.




"Ano? sesermunan mo ako? pagagalitan mo ba ako? Tatawanan mo ba ako?" Tapos tinulak ko na lang siya. Pero yinakap niya ulit ako. 


"Hindi, hindi ko yun gagawin. I know you're not ok." 


"Baliw ka pala. Kung alam mo, lumayo ka muna sa akin. I want to have some space bago ko pa maibuhos sa'yo itong galit ko!" sinabi ko yun hysterically. Kala ko lalayo na siya pero kabaligtaran ang ginawa niya. Baliw ba talaga ito? Lalo pang hinigpitan ang yakap sa akin. Gusto niya ba talagang mabugbog? 


"Don't pretend like you're just mad. Tao ka rin, nasasaktan. Pwede mo sa akin ibuhos lahat ng nararamdaman mo since I know everything. You know I hate crying coz it shows your weakness but now I realized that crying don't just show you're weak, sometimes you need to show it off to start again. And let those tears be your strength. Tao ka lang din na nasasaktan." Hindi ko na napigilan ang nararamdaman ko. Bumuhos na ang mga luha ko. Nasasaktan pa rin talaga ako. Tama siya, Tao lang din ako pero si Jon, kung tao lang din siya na nagkakamali, hindi ko pa siya mapapatawad at ayoko muna siyang makita. 


"Natutuwa ako sa ginawa mo sa kanya, hindi ko na kailangan pang ilapat ang mga kamao ko sa pangit niyang mukha...:)" Baliw talaga ito. Pero siguro nga yun din ang gagawin niya. Kaibigan talaga ang turing niya sa akin. 


"Tulungan mo ako, Tulungan mo akong layuan siya. Muntik na akong mafall sa kanya dahil crush ko siya pero buti na lang hindi nagtuloy tuloy." Lumayo na ako sa kanya at pinunasan ang luha ko. Itinaas ko ang aking right hand na nakalikom sabay hawak sa braso ko habang nakataas ito na shoulder level lang to show na I want to move on."AJA!" 


"Gagawin ko naman talaga yun kahit hindi mo sabihin sa akin. I will help you ease the pain." then pinat niya yung ulo ko. He's my Knight this time.



----------



HAY... Like other students pag bakasyon, BORING pag may pasok naman HAGGARD, Walang mapaglagyan ang kaligayahan namin noh?

RFOM *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon