Chapter 36
[The other side of me]
Ehhh..... Bakit ganoon???? Nasaan si Keith? 2 days na siyang absent..wala pang balita sa kanya ang friends niya... ano ba naman yan... Hay... wala ang savior ko kaya dapat dumikit lang ako sa kanila. Puntahan ko na kaya siya sa kanila? May kasama kaya siya sa bahay nila? Mamaya niyan may sakit na pala yun.
"Shey, saan ka pupunta?"
"Ahmmm... Akira, buti nandyan ka. Alam mo ba kung saan ang bahay ni Keith?"
"Ah, oo. Pupuntahan mo ba siya? Sabay ka na sa akin kasi madadaanan naman natin ang bahay nila."
Kaya nagpunta na kami doon sa bahay ni Keith. I was Amazed kasi mas malaki ito sa bahay namin. May pakiramdam ako na hindi ito yung first time na nakarating dito.
"Shey, iwan na kita dito ha. Bye!" And with that she left me standing stiff infront of the gate where Keith lives. Kinakabahan ako...:S
*Ding dong*
At may lumabas na Maid.
"Sino po kayo? Sino po ang hinahanap niyo?"
"Ah, Ako po si Sharmaine. Kaklase po ako ni Keith. Nandyan po ba siya?"
"Ah,sandali lang po ha." Then pumasok ulit siya sa loob ng bahay at noong nakabalik na siya...
"Pasok po kayo miss Sharmaine."
Kaya pumasok na ako sa loob. Mayaman talaga siya. I mean sila. May malaking hagdan pa akyat na nasa gitna tapos mahahati sa 2 kapag half na ang taas. May makikinang na chandelier at may Painting na maganda sa gilid. Kung ganito ang bahay na tinitirhan niya dito, paano pa kaya kung yung sa Main Mansion pa nila! O_O
"Miss, umakyat lang po kayo tapos yung 2 door po sa right side ang kwarto ni Sir. Nandoon po siya."
Kaya sinunod ko na lang siya. Mag-isa lang ba siya? Wala ba siyang kapatid? Ang tahimik... Now I wonder kung bakit siya ganun ka tahimik din sa school.
BINABASA MO ANG
RFOM *Completed*
Ficção AdolescenteNoong una'y niyaya lang ako ng mga kaibigan ko na pumasok dito but I refuse. And now, I don't expect that I will be studying here. Dito pala kasi ang gusto ng dad ko kaya sumunod na lang ako. I'm such an obedient child right?HAHAHA...pero nung nalam...