Special Chapter

2.1K 34 7
                                    

-Month Month



Shey's POV



(J/n: Well, guys, hindi po talaga ito kasali na dito sa book. Pinapasulyapan ko lang po sa inyo ang isa sa mga scenes ng KeiSha love team sa Runner Up's Promise... Hahaha... Dahil Bestfriend ni Keith si Jake, then magkakabarkada po sila, kaya nilagay ko na po kung ano yung nangyari sa Love story nila Keith sa storya nina Jake. Hahaha...The more the merrier naman po di ba? You can check out the story in my works pals... :D)



Hindi kami ngayon magkakasama na naglunch. May binalak kasi si James. Ewan ba dun. Napansin nga namin na hindi nagpapansinan si Akira at Fatima. 


Hindi rin nasama sa amin si Fatima. Buti na nga lang at naiisipan pa ng bruha na ikontak man lang kami kahit papaano sa cp kung hindi kinalbo ko na siya. Porket may boylet nakalimot na ng friends? Aba aba!



Speaking of Boylet, nasaan ba si Kei? Pinagluto ko pa naman siya ng lunch ngayon kasi monthsary namin. Hehehe.. Tagal na rin namin.



 Like pang 1 yr and 6 months na namin ito? Hindi ko na namalayan na ganun kami katagal kasi kung may dumaan mangproblema, nasosolusyonan naman namin agad kaya NO PROBLEMA... hahaha... Kahit na madalas niya pa rin akong asarin minsan.



Pero syempre hindi ko rin maiwasan na maisip kada tinitignan ko itong singsing na binigay niya sa akin kung makakaabot kami sa FOREVER or baka matulad lang kami sa iba na sa una lang masaya, pero nauwi sa OVER.



Calling Kei <3........




Hahaha.... oo may heart na ngayon yung Kei... Nakita niya kasi dati kaya dinagdagan niya yung heart. Dati nga Monster pa yan pero pinabago niya. 


Ang choosy pa ano? Kala mo sa kanya yung phone... Nagmaktol pa siya niyan na parang bata pero syempre ang kyut niya naman... hahaha...




"MONSTER! ANO NA?! Asan ka ba?" Tanong ko sa kanya na medyo pasigaw pa. Kasi naman, pag-intayin daw ba naman ang babae? Naitext ko na sa kanya an kaninang umaga eh. Hindi ko pa nga siya binabati. Syempre siya dapat mauna.


[Chill... May nakakita daw sa'yo dyang tulala ah. Iniisip mo ko?] O/////////O Bakit ganun? Hindi ko pa rin maiwasan ang hindi makadama ng pag-init ng mukha ko...


"ASSUMERO! Hindi kita iniisip! Teka, alam mo ba ang araw ngayon?" Narinig ko siya na parang nag-iisip.. Really? Nakalimutan niya? Talaga? Totoo ba ito?

RFOM *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon