(J/n: For my readers... :))
_____________________________
Chapter 46
[Wala kang karapatan]
"lalaki, anong sinasabi mong babe dyan ha?"
"Shhh... andun pa kaya sila. They are stalking you. Kung di ko yun sinabi baka di sila umalis."
"Fine. Pero alam mo ba kung nasaan si John? or may balita ka ba sa kanya?" Siguro naman alam nito.
"Teka, may gusto ka ba sa kanya? or miss mo na siya?" Hindi, nababaliw na kasi ang kaibigan ko. "Ang daya" Binulong niya yun pero na rinig ko naman.
"Wala. Miss na ata kasi siya ni Shey. So ano? hindi mo pa nasasagot ang tanong ko."
"Ah, wala din akong balita dun. Hindi nga nagpaparamdam." Ano kaya ang nangyari dun?
Pagkatapos namin kumain lumabas kami pero bakit naka-akbay pa rin ang isang ito?
"Huy, tama na ang acting. Wala na sila." Tinulak tulak ko pa siya.
"Babe naman, wag ka ngang ganyan." Bigla siyang bumulong sa tainga ko, nakakakiliti... hihihi..ahahaha..."Andun pa sila sa likod."Paglingon ko, oo nga. Bigla siyang tumigil at lumuhod. Anong ginagawa niya?
"Bakit kasi ganyan kaikli na shorts ang suot mo? Alam mo namang ayoko ng ganyan di ba?" At itinali niya sa bewang ko yung red niyang jacket. Ang sweet naman nito.
"Ah, Pasensya na. Nagmamadali kasi ako kanina, remember?"Tapos bigla niya akong ningitian at hinalikan sa labi. What the! Acting lang ito pero bakit niya yun ginawa? Then naglakad na lang siya habang hawak ang kamay ko pero mas nauuna siya sa akin.
Hindi ako makapaniwala na ginawa niyang yun... GRRR.... ok, chill lang. *inhale* *exhale* Lumingon siya bigla kaya napalingon din ako at dun ko nalaman na wala na yung mga sumusunod sa akin. Bigla naman siyang nagbuntong hininga.Tinanggal ko yung jacket niya at hinagis sa kanya.
"Bakit?" Painosente ka pa
"Wala na sila!"
BINABASA MO ANG
RFOM *Completed*
Teen FictionNoong una'y niyaya lang ako ng mga kaibigan ko na pumasok dito but I refuse. And now, I don't expect that I will be studying here. Dito pala kasi ang gusto ng dad ko kaya sumunod na lang ako. I'm such an obedient child right?HAHAHA...pero nung nalam...