J/N: Thank you for reading
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Chapter 43
[CUTEST.You really are clumsy]
Nagpaplano kami ngayon ng gagawin para sa christmas party. Kasama namin sa pagpaplano ang student council. Tsss... kasama pa namin si Jon dahil ang buong member ng Top students ang kasali. Pasalamat siya at nakakapagtimpi ako. Di pa ako nakakabawi sa ginawa niya ha.
Tahimik lang ako sa buong pagpaplano nila. Pareho lang kami ni Jake na nakikinig lang.
"Ok, James, Alyssa, Sharmaine, Ian at Jo---" Tinignan ko bigla ng masama si Mr. Student council Pres dahil ang babanggitin niya sana para sa huling miyembro ay si Jon...
"At John. Kayo ang bahala sa mga decors.." At inilayo niya ang upuan niya sa akin ng kaunti dahil katabi ko siya. Natakot ko ata.
"Sila Jake, Fatima, Akira, Liza at Jon na man ang bahala sa music, program at mga lights."
"Ang student council naman ang bahala sa mga cater, presentations at banda na kakanta. Pati sa mga games kami na rin and tutulong rin kami sa mga gagawin niyo." OK, dapat na kaming mag-umpisa kaya tumayo na ako. Hinawakan naman ako sa wrist ni Shey at hinila papunta sa kukuhanan ng mga tela para makapag-isip kami ng design sa gymnasium dahil next week pa naman ito gaganapin.
Kita kong nakasunod ang tingin sa amin ni Jon pero hindi ko na lang siya pinansin.
"Anong ginawa mo sa student council president? Bakit mukhang natakot ata sa'yo?" sabi na tungkol ito sa napansin niya.
"Ahmm... wala akong ginagawa. Tahimik ko nga di ba?"
"Imposible, ano ba ang ginawa mong kalokohan?"
"binigyan ko lang siya ng tingin na ako ang piliin niya dahil inilalayo nga kita sa kanya di ba?" Yumuko siya. Hindi ko natuloy makita ang expression niya.
"May isang salita ka talaga."
Dahil wala na daw siyang gagamitin uuwi na daw siya. Sinundan ko lang siya kahit alam kong ayaw niya akong kasabay.
"Kung sasabayan mo ako dun ka sa likod or kung gusto mo mas mauna ka sa akin."
BINABASA MO ANG
RFOM *Completed*
Teen FictionNoong una'y niyaya lang ako ng mga kaibigan ko na pumasok dito but I refuse. And now, I don't expect that I will be studying here. Dito pala kasi ang gusto ng dad ko kaya sumunod na lang ako. I'm such an obedient child right?HAHAHA...pero nung nalam...