Chapter 41
[MSG: Mission Accomplish]
"Girl, if I will dance with someone TONIGHT, that would be my only friend and the birthday girl. She's the only reason why I'm here. Excuse me." yun na ang PINAKAMAHABA kong sinabi tonight kasi tahimik lang ako. Kinakabahan pa ako sa mga sasabihin ko mamaya.
After that hinanap ko na si Shey, nakita ko si Jake na isinasayaw na si Fatima. Si Akira naman mukhang nagagalit pero hindi dahil sa kasayaw niya. Ayaw niya pa rin kasi ipagkatiwala si Fatima kay Jake. Si James wala ring sinayaw na ibang babae bukod kay Aly at Akira.
I can see sa mga mata ni Aly and the way James look at her, they have a spark. Magkakaibigan nga talaga kami. TORPE>>>
"Can I have this dance?" Tanong ko kay Akira. Hindi ko pa siya naisasayaw. Pumayag naman ang kasayaw niya kaya inabot ko na ang kamay niya at hinawakan siya sa side ng bewang niya. Nagcotillion kami habang kinakausap ko siya. Halatang naiinggit ang mga babae sa paligid ko dahil siya ang sinayaw ko.
"Akira, nakita mo ba kung saan nagpunta si Shey?"
"Ahmmm.. nope. Sino na ba ang naisayaw mo? Bakit ganun makatingin yung mga babae sa akin?" tanong niya noong napansin niya ang mga masasamang tingin ng mga babae na kung makakapatay ang mga tinging yun, kanina pang duguan si Akira.
"ahmmm...You're the first one. But don't mind them." Ningitian ko lang siya at napansin kong dumaan sa may di kalayuan si Shey kaya nagpaalam na ako sa kanya at ibinigay siya kay James.
Naglakad ako ng mabilis para maabutan si Shey. Nakita ko naman siyang nakaupo na sa may sofa at may hawak na wine glass...Hindi siya dapat uminom noon. Now I wonder kung kaya siya umupo ay 1. Dahil napagod siya sa kakasayaw habang suot ang 5 inches heels niya 2. Dahil nahilo siya sa ininom niya. Buti na lang wala pa sa kanyang nakakalapit.
Tumingin siya sa akin na para bang hilo habang hawak sa isa niyang kamay ang wine glass na kinuha niya ulit sa mga server.
"You should not drink." At tumabi ako sa kanya. Tumingin naman siya sa akin at ngumiti ng nakakaloko.
"Eh? Ayos lang yan. Sayaw ka na doon oh..." Turo niya sa mga nagsasayawan.
"Akin na yan. Baka hindi ka maniwala sa regalo ko mamaya. Sabihin mo nananaginip ka lang." inagaw ko sa kanya yung wine glass niya at ibinigay sa server. Inutos ko dito na dalhan kami ng isang tasa ng kape para naman mawala ang sakit ng ulo ni Shey.
"Bakit mo yun.... ginawa Mr. Handsome? ha?Paano ka nakapunta dito sa Party ko" sabay tingin sa akin ng masama. Hilo siya kaya siya umupo. Yun ang sagot kung bakit siya nandito guys.
BINABASA MO ANG
RFOM *Completed*
Teen FictionNoong una'y niyaya lang ako ng mga kaibigan ko na pumasok dito but I refuse. And now, I don't expect that I will be studying here. Dito pala kasi ang gusto ng dad ko kaya sumunod na lang ako. I'm such an obedient child right?HAHAHA...pero nung nalam...