Chapter 38
[The apologetic angel]
Keith's POV
Kaklase ko nga pala siya sa lahat ng subject...Hindi niya pa rin talaga ako maalala... Worst is she really can't trust and believe me. Nakaupo na siya sa seat niya kung saan katabi ko siya. Yung about sa modeling, sinabi ko sa kanila na itago na lang namin yun lahat.
"Keith, here's a chocolate for you. Please take this as an invitation to go out with me." Tinignan ko siShey. Nakatingin siya sa direksyon ko.
"please..." Nagpuppy dog eyes yung kaklase namin sa akin. Kinuha ko yung chocolates, tinignan ko. Nakita ko si Shey na umiwas bigla ng tingin.
"Tha---" bago pa siya makapagsalita pinutol ko na ito.
"I'm not interested. I'm busy." Siguro naman naiintindihan na ng babaeng ito ang gusto kong sabihin kaya naglakad na ako sa isa sa mga kaklase kong lalaki sa malapit sa bintana sa labas para makipagpalit muna ng upuan.
"Pare, palit muna tayo ng upuan. Dun ka muna sa tabi ni Sharmaine." Noong sinabi ko yun parang kuminang yung dalawa niyang mata na para bang may dyamante sa loob. Tumayo siya na nganga at mukhang tutulo pa ang laway.
"Dude you're drooling...=___=a"
"I-I just----"hindi ko na siya pinatapos pang magsalita. Ayokong makinig sa sasabihin niya. Alam ko na.
"Just go away. SHoooo..." At iniwave ko ang kamay ko na para bang pinapaalis siya habang tulala pa rin yung lalaki. Binaba ko na ang bag ko. Hindi sa parang pinamimigay ko siya kung yun ang iniisip niyo pero kung iisipin niyo yung nagyari sa photoshoot, Weird kung aakto ako na para bang walang nangyari at wala akong binitawang salita.
Kita ko na nagulat si Shey noong makita niya na ang kaklase namin ang tumabi sa kanya. Lumingon siya sa paligid hanggang sa nakita niya akong nakaupo sa likod.
Nagkatagpo ang mga mata namin. Binigyan niya ako ng isang apologetic look of an angel. GRAVEH! Ang CUTE! BURABURABURA.... hindi mo ko makukuha sa mga tingin mong yan.>__<
Tinitigan ko lang siya ng cold. Diretso lang na parang hindi yun nakita. Humarap na ulit siya sa unahan. Yung pagtatalo namin kagabi, hindi yun katulad ng mga simpleng pagtatalo namin. Ano ba itong ginagawa ko? Dapat hindi ko yun sinabi, ang dapat kong ginagawa ay tulungan siyang bumangon sa pagkabagsak niya kaya ko nga siya sinalo para hindi siya masaktan.
Recess na namin. Dala ko ang bag ko, lumabas ako ng classroom namin. Pagkalabas ko tumigil muna ako sa may pinto at tinignan ang orasan ko. Lumingon sa kaliwa't kanan ko na parang tatawid lang. At paglingon ko sa kanan ko, nakita ko si Shey na kinakausap ni Jon na mayinibigay na chocolate. May sinasabi siya dito pero nakatingin si Shey sa akin na parang hindi niya pinapakinggan kung ano man ang sinasabi sa kanya ni Jon.
BINABASA MO ANG
RFOM *Completed*
Fiksi RemajaNoong una'y niyaya lang ako ng mga kaibigan ko na pumasok dito but I refuse. And now, I don't expect that I will be studying here. Dito pala kasi ang gusto ng dad ko kaya sumunod na lang ako. I'm such an obedient child right?HAHAHA...pero nung nalam...