S.U. 5 The Promise

3.7K 114 13
                                    


CHAPTER 5

THIRD PERSON'S POV

Marahang naitulak ni Hailey si Knox nang mapagtanto niya ang kanilang puwesto. Mapapansin ang pamumula ng mga pisngi nito na nagbigay ngiti sa binata.

Nakayuko lamang si Hailey nang muling lumapit si Knox at itinaas ang baba niya para maiharap sa kanya. Napatunghay ang dalaga at napatingin sa mga mata ng binata. Mga matang nag-aalala ang agad na napansin niya.

"I can't promise to fix all of your problems, but you won't have to face them all alone. Today, in front of our two cars and in the center of this parking lot, I will promise to stay by your side and protect you no matter what, even though you're going to push me away. This is a promise of a Prince to her Princess," seryosong sabi ni Knox habang nakatitig sa dalaga.

Ilang segundong katahimikan ang naganap sa pagitan nilang dalawa. Nakailang lunok muna si Hailey bago tuluyang umimik. "Wala akong masabi kundi thank you very much. I know, I'm being so unfair pero Knox hindi lahat ng mga bagay ay kailangan kong sabihin sa 'yo lalo na kung alam kong hindi makakabuti sa mga taong mahal ko. Oo hindi mo ako maiintindihan, pero promise me na hindi mo sisirain ang pangako mong hindi ka aalis sa tabi ko kahit ilang ulit kitang palalayuin at paglilihiman."

Biglang napayakap si Knox pagkatapos magsalita ni Hailey. Isang mahigpit na yakap na nagbigay ngiti sa kanilang mga labi.

"Alam ko, pero mali ka para sabihing hindi kita maiintindihan, dahil naiintindihan ko ang lahat nang ginagawa mo. May tiwala ako sa 'yo kaya nga sabi ko, dito lang ako sa tabi mo at hindi ka iiwan. Ang tanging magagawa ko lang sa ngayon ay bantayan ka. Hindi ko man alam kung ano ang problema mo o kung may kaaway na naman tayo, pero makakasigurado ka na poprotektahan kita laban sa lahat," bulong ni Knox.

Mapapansin ang pangingilid ng mga luha sa mga mata Hailey. Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman, para bang hindi siya makahinga sa sobrang saya at pasasalamat nang marinig ang mga sinabi ni Knox. Alam niyang hindi siya pababayaan nito pero nakaramdam din siya ng kirot sa kanyang puso sa 'di malamang kadahilanan.

"Salamat talaga, kaya love na love kita e," sambit ni Hailey. Napangiti ang binata sa kanyang narinig kaya naman agad siyang kumawala sa kanilang yakap.

Hinawakan niya ang magkabilang balikat ni Hailey at muling iniharap sa kanya ang mukha ng dalaga. "Really? Do you love me?" tanong agad ni Knox.

"Oo naman, 'di ba dati pa? Lahat kayo mahal na mahal ko, kaya nga ayokong mapahamak kayo," mabilis na sagot sa kanya. Natigilan si Knox habang nakatitig sa mga mata nito. Napasapo siya bigla sa kanyang mukha nang mapagtanto na mali ang kanyang pagkakaintindi kanina.

"I love you too," nakangising sambit niya at tsaka hinila ang kamay ng dalaga papunta sa sasakyan nito.

Hindi rin agad nakapag-react si Hailey at napangiti na lang nang dalhin na siya sa gilid ng kanyang sasakyan.

"Sigurado ka bang ayaw mo magpahatid sa akin?" biglang tanong ni Knox.

"Yes Prince. Kaya ko naman na at tsaka paano ang sasakyan ko rito? Sige na, ingat sa pag-drive. See you tomorrow."

"Sige, susundan na lang kita hanggang makarating ka na sa bahay ninyo bago ako umuwi," tugon naman ni Knox.

Nanlaki ang mga mata ni Hailey at muling nagsalita, "Ano? Ang kulit mo talaga, sabi na-."

"Mark my word Princess. Hahayaan ko ba namang umuwi agad nang hindi ko nakikitang ligtas na nakauwi ang Prinsesa ko?

Napalo ni Hailey ang dibdib ng binata at nanggigil na pinaghahampas ang mga braso nito. "Ang kulit mo talaga! Ang kulit kulit mo!"

SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 2 (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon