S.U. 54 A Mother's Love

2.4K 57 9
                                        

CHAPTER 54

THIRD PERSON'S POV

Nang makalayo si Thyra sa Little Sea Garden ay pinili niya munang magpunta sa tabing dagat katapat ng hotel na tinutuluyan nila ni Zach. Naupo siya sa buhanginan habang nakatingin sa walang katapusang karagatan. Pigil na pigil ang dalagang maluha dahil ayaw niya na umiyak. Pagod na siya sa kakaiyak. Bakit nga ba masyado siyang apektado kay Caiden? Mismong ang sarili niya ay hindi niya na rin maunawaan. Gulong-gulo na ang isip niya at nahihirapan na siya sa mga bagay na hindi niya naman alam kung paano at saan nagmula.

Lingid sa kaalaman ni Thyra, may isang lalaking nakamasid sa kanya sa hindi kalayuan. Si Zach, may hawak na bote ng alak at mag-isang umiinom sa may mini bar ng resort. Parehas silang may malalim na iniisip at minabuti nilang magsolo na muna kahit ngayon lang.

KINAUMAGAHAN nagdala ng agahan si Zach sa mismong kuwarto ng kanyang nobya. Sabay silang nag-almusal sa may veranda subalit kapwa hindi umiimik ang isa't isa. Tahimik lang silang kumakain habang nasa kawalan ang isipan nila.

Si Zach, hindi niya alam kung paano babawi sa nobya sa naganap na aberya kagabi. Nasira ang date nila, ngunit kung alam lang sana ni Thyra ang dahilan ay mauunawaan nito kung bakit nawalan ng mood ang nobyo.

Si Thyra, sa dami ng iniisip ay hindi nito alam kung paano magsisimula. Parang na stuck-up ang isipan nito at hindi makausad sa ere. Napakarami nitong dapat intindihin at isaalang-alang sa mga desisyon na balak gawin.

"Babe, are you okay?" tanong ni Zach. Naglakas loob na siyang magtanong dahil hindi naman puwedeng hindi sila mag-uusap kahit sandali.

Ngumiti ng malamlam si Thyra at tumango sa kanya. Inangkin na agad ng katahimikan ang paligid pagkatapos no'n.

Matapos kumain ay nag-request ang dalaga na gusto muna nitong magpahinga at maiwang mag-isa sa silid. Kahit ayaw ay pumayag na rin si Zach sa gusto nito. Gusto tuloy pagsisihan ng binata ang mga nangyari kagabi. Iniisip niya na do'n nagmula ang lahat kaya nawalan ng gana ang kanyang kasintahan.

Hinayaan ng binata na magsolo ang dalaga. Umabot ang maghapon na hindi pa rin lumalabas si Thyra. Natatanaw lang ni Zach ang kasintahan sa may veranda na nakaupo roon, nagla-laptop, may hawak na ballpen at nagsusulat sa notebook. Sinubukan niyang sumipol para mapalingon sa kanya ang dalaga subalit nabigo siya dahil umiling lang ito pagkakita sa kanya.


HULING ARAW na nila sa isla. Hindi na nasundan ang kanilang island hopping, pamamasyal at pamimili ng mga bagay na doon lang nila makikita. Sandaling pumunta sa bayan si Zach para bumili ng mga souvenirs na alam niyang hilig kolektahin ni Thyra. Pagbalik ng hotel ay hindi niya inaasahang matatagpuan niya ang kasintahan na naghihintay sa lobby.

"Babe! Gusto mo bang mamasyal sandali bago tayo magpuntang airport mamaya?" tanong niya.

Sumagi sa isip niya na baka may kailangan ito sa kanya subalit hindi siya mahagilap nito dahil umalis siya ng walang paalam. May ilang mga butil ng pawis ang namuo sa noo niya at ilang beses makikitaan ang mabilis na pagbaba at angat ng kanyang dibdib. Ikinababahala talaga niya na baka tanggihan na naman siya ng nobya.

Madalas na wala sa mood si Thyra at iniisnab ang mga paanyaya niya. Mas pinipili ng dalaga na manatili sa silid. Napapasuntok na lang sa hangin ang binata. Hindi talaga niya maintindihan kung bakit biglang nag-iba ang ihip ng hangin ngunit wala siyang magawa kundi intindihin na lang ang sitwasyon dahil ang alam niya ay siya ang may kasalanan kaya nagkagano'n ang nobya.

Diretsong tumingin sa kanya ang dalaga. "Nope. We need to discuss something, Zach. Follow me..." Tumayo si Thyra at naglakad papunta sa secret garden ng hotel.

SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 2 (Complete)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon