S.U. 55 The MT

2.4K 58 18
                                        

CHAPTER 55

THIRD PERSON'S POV

Pag-alis ni Thyra sa Sandberg's Corporation ay nakatanggap siya ng mensahe mula kay Aubrille.

[Dinner date later, you want?]

[Sure Aubrille! Where?]

[In Seaside Manila East, see you at 6pm.]

[Okay. See yah!]

Bumalik muna ng hotel si Thyra at nagpadala ng mensahe kay Zach na successful ang kanyang misyon. Kinamusta niya ang nobyo kung naging matagumpay din ito subalit wala siyang natanggap na sagot. Marahil ay kasalukuyang abala pa ang binata.

Nagpalit ng damit ang dalaga. Nagsuot lang ito ng white skinny pants at black off shoulder top. Isinuot niya rin ang kulay blush niyang high heels sandals at saka isinukbit sa kanyang balikat ang kulay itim niyang LV bag.

Bumaba na siya sa basement at sumakay sa kanyang sasakyan. Naalala niya no'ng nagkaroon daw ng pagsabog sa condo ni Roxie, buti ang sasakyan na ito na regalo sa kanya ni Zach ay dala ng binata kaya nakaligtas sa pagsabog. Simula nang araw na iyon ay hindi na nagparamdam si Roxie sa kanya. Itatanong niya na lang kay Aubrille kung kamusta na ang kaibigan.

Eksaktong ala sais ng hapon siya nakarating sa Seaside. Maayos niyang nai-park sa tabi ng restaurant ang kanyang sasakyan. Nagpadala muna siya ng mensahe kay Aubrille na nasa meeting place na siya bago bumaba ng sasakyan.

Pagbaba niya ay naglakad agad siya papunta sa entrance ng restaurant. Napatingin siya sa paligid nang mapansin niyang walang katao-tao kahit isa. Bukas naman ang kainan subalit walang kumakain sa labas, pagsilip niya sa loob ay wala ring kumakain doon.

"Weird..." sambit niya. Pumasok na siya sa loob at naupo sa lamesang nasa gilid.

May lumapit sa kanyang waiter at inabutan siya ng menu. Sumenyas ang dalaga na may hinihintay lang siya bago um-order. Ilang sandali lang ay dumating na rin si Aubrille.

"Hi! How's your vacation?" bungad nito.

Kumawala ang malaking ngiti sa mukha ng dalaga. "Thank you for that Aubrille. Alam mo ang daming nangyari. That was my happiest vacation so far... do you wanna know why?"

Napakurap si Aubrille dahil napansin nitong sobrang saya ata ni Thyra subalit pakiramdam nito ay may ibang patama ang tanong ng dalaga. Hindi ito umimik. Ngumiti lang ito bilang tugon.

"Nah! I will tell you next time why," bawi ni Thyra. Hinawakan niya ang menu book at nagsimulang tignan ang mga putaheng nandoon. "What's your favorite seafood, Aubrille?" biglang sambit niya.

Hindi muna ito sumagot. Kinuha na rin nito ang menu at tinignan ang mga dishes na naroon. "I like squids. I wanna pick this pepper and lemon squid and pad cha squid in oyster sauce."

Itinaas ni Thyra ang kanyang kamay at tumawag ng waiter.

Binalik niya ang kanyang tingin sa menu. "I thought you like scallops?" tanong niya sa kaibigan. Natigilan si Aubrille at ibinaba ang kanyang hawak na menu. Gusto nitong tignan ang reaksiyon ni Thyra subalit natatakpan ng menu ang mukha ng dalaga.

Sa isip-isip nito ay paano iyon nasabi ni Thyra? Samantalang may allergy ito sa scallops kaya hinding-hindi ito kakain ng gano'ng putahe.

"I want to order this Ginger soy scallop and red sauce deep fry scallop. You will like all of these, Aubrille." Napatitig ito sa kaibigan na ngayon ay natatanaw na nito ang mukha. Hindi nito matantsa kung nananadya ba ang dalaga o sadyang nagkataon lang.

SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 2 (Complete)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon